Tuesday, October 10, 2017

Pera Agad Approved Loan

Pano ba malalaman kung approved kana sa Pera Agad Loan?


Marami ang nagtatanong sakin kung pano daw kukunin ang loan kasi daw approved na sila ni Pera Agad. Akala ko nong una totoo pero nung sinabi ko kung saan galing ang text na approved na sila? They replied from 2423. Linawin ko lang po mga kababayan ko. Pag galing po sa 2423 hindi pa po kayo approved non. Instead, QUALIFIED palang po kayo to apply a loan pero subject for Pera Agad evaluation.


Kung wala kapa pong INVITATION CODE, diba magtext ka ng word na LOAN sa 2423. Few seconds after, 2423 will replied you "Welcome to Pera Agad! Now SMART & TNT subscribers can borrow up to P10k w/ collateral. Text OO to 2423 today to check if you qualify. For info: 1800-10888-2423 By texting OO you provide consent to share your personal data with CC Mobile Financial Services Philippines Inc. To check the T&C visit www.peraagad.ph"

Pagkatapos mong mag text ng OO. The system will reply again "Thank you for registering to Pera Agad. Your request is being processed. You will receive another text kung qualified ka na mag loan.

Maya't maya meron kanang text matatanggap na ganito kung qualified ka "1/3 Good news! You are qualified for a loan up to P10K! Your INVITATION CODE is 666999. Apply at www.peraagad.ph or at any Pera Agad partner outlet. 2/3 The nearest partner outlets in DAVAO are PeraHub Branch or Smart Padala Center. 3/3 For more information, please visit www.peraagad.ph or call 1800-10888-2423."

Kung susuriing mabuti magkaiba po ang qualified palang kay sa approved. Yong text po ay unang hakbang para po kayo makapag apply sa Pera Agad. Kung meron na kayong INVITATION CODE, maaari na kayong mag apply online sa kanilang website: http://peraagad.ph/

Enter nyo ang mga detalye na kailangan ni Pera Agad, pero bago paman maka proceed to next steps, kailangan nyong e enter ang INVITATION CODE, kaya napaka importante po ang code na yon.

Pagkatapos nyong mag SUBMIT online ng inyong mga detalye, mag antay lamang po kayo ng ilang oras, may tatawag na agent sayo from Pera Agad, to confirm your application at mga ilang tanong na dapat straight forward mong sasagotin. Wag po kayong sumagot ng mga alanganing salita kasi doon din po naka based ang approval ng iyong loan lalo na sa tanong, ilang buwan mo na gamit ang sim mo? Bukod doon, yong sa finances nyo po dapat masagot nyo ng tama na walang pag-alinlangan. TInitingnan kasi nila ang capacity mo to pay your loans.

Pag satisfied na ang agent sa mga sagot mo, sasabihin nya sayo na kung willing ka bang magsubmit ng necessary documents to proceed your loan application. Kung OO sagot mo, meron kang text ma received na ganito "1/3 To continue w/ur Pera Agad application, pls submit any of the ff income documents: Payslip, ITR, BIR 2316, bank statements (3mos), remittance docs (3mos),  2/3 Cert. of Employment, DTI reg, Mayor/Brgy permit. Upload online at www.peraagad.ph/submitdocuments or submit to accredited Smart Padala or Pera Hub branches. 3/3 Pls submit document within 15 days. For questions, pls call toll free hotline 1800-10888-2423."

Few hours later, meron kang text na ma received "1/2 Your loan of P5000.00 for 4 installments payable weekly has been approved. Your e-signature DPIN is 9700000000. 2/2 Your T&C may be seen at www.peraagad.ph. Please text back DPIN 9700000000 to 2423 to agree on the T& C."

Pag meron kanang text ganyan, sure na sure APPROVED na po ang loan nyo. Pagkatapos mong mag text ng "DPIN 9700000000 sa 2423. You will get a message informing na ipapadala na nila ang reference number mo. Halos magkasabay na darating sa inyo ang text din from SMARTMoney, a final confirmation na approved na kayo sa Pera Agad loan "Oct 11, 2017 18:47: Your Pera Agad SMARTPadala Ref.# is 9001770000000. Present this to any Smart Padala Center to receive your money. Please claim loan within 3 days. Transaction no. 2324000000000."

Tip: Mag apply kayo online, mas madali kay sa pumunta kayo sa Smart Padala Center or Pera Hub, susungitan lang kayo doon. Hindi pa kasi malinaw sa kanila ang Pera Agad service kaya mostly tatanggihan kayo.


1 comment:

  1. wala na bang Peraagad na website. closed for operations na ba?

    ReplyDelete

TOP BEST LENDING APPS

USAPANGPERA PH