Tuesday, October 17, 2017

Pera Agad Pre-Selection

Pre-Selection?


Ano po ang pre-selection ni Pera Agad? Sino po kaya ang may pakana nito?

Ang Pera Agad ay exclusive for TNT and SMART user. Pero bakit hindi lahat ng TNT at SMART user ay QUALIFIED to avail the loan na ini-offer ni Pera Agad? Dahil po, ito'y pre-selected lang po. Bago paman kayo magtxt ng LOAN sa 2423, meron na pong naka register sa system na mga numbers kung saan sila lang po ang pwedeng mag avail ng loan kay Pera Agad. Walang exact explaination kung pano nili napili ang mga numbers na iyon.

Halimbawa, meron akong sampung SMART number sa aming shop, ginamit namin sa e-loading business at SMARTPadala. Lahat ay almost 7 years na pero iisa lang ang nakapasa yong SMARTPadala number ko and at the same time VIP Life number ni SMART. Bukod doon yong personal number ko lang ang qualified, hindi kasama ang number ng parents ko at sa asawa ko.

Hindi ko rin alam ang basis nila to choose the exact number pero meron akong napansin sa dalawang nakapasa. Yong personal number ko naman, never talaga itong nawalan ng loan, pareho din sa SMARTPadala number ko. Meaning, laging active ang dalawang numbers na ito kaya siguro napili na qualified for Pera Agad loan.

Ang ginamit ko na code ay yong sa personal ko pero yong isa na VIP Life ni SMART, laging nagpapadala ng txt si Pera Agad na mag avail daw ako ng loan sa kanila. Meron na nga akong loan tapos gusto pa nila akong magloan gamit ang isa pang number namin. 

No wonders, na maraming hindi qualified dahil marami din sa atin ang hindi madalas naglo-load sa kanilang mga cellphone, kadalasan saka na po tayo maglo-load pag meron importanteng tatawaga or ettxt. 

Although, ang unang tanong ng agent during interview with Pera Agad kung matagal nang ginamit ang sim card, hindi rin naman sukatan ang tagal ng ginamit para maging qualified. Kahit matagal mo ng ginamit ang sim card mo, kung hindi naman ito active, hindi din ito papasa kay Pera Agad.

Apply after 3 months.
Ito'y sinasabi nila sa mga hindi qualified to avail the loan. Bakit kaya pinaasa tayo na mag apply uli after 3 months. Opinion ko lang, malamang nag dagdag si Pera Agad ng pre-selected numbers every month. Hoping mapasama ang sim nyo po sa mapili nila. Para may chance na mapili ugaliing maging active ang ating mga numbers. Hindi natin alam magagamit din pala natin ito para makapag apply ng loan.

No comments:

Post a Comment

TOP BEST LENDING APPS

USAPANGPERA PH