Thursday, November 23, 2017

Pera247 No.1 Paasa!

Matagal kitang inaantay na mag change ang status ng application ko pero pambihira ka Pera247. Iba ka sa lahat, sayo ko lang naranasan ang mabigo. More than 10 times na akong umaasa sayo, hindi ko man kailangan ang pera mo pero gusto lang kitang ligawan, hindi naman paglalaruan, gusto lang kita kilatisin kong anong meron ka? Gusto ko kasi e promote kita sa mga kababayan kung nangangailangan ng tulong pero ngayon mukhang iiwanan na kita. Wala kang silbi sa kanila. Sana man lang nagpaalam ka nagbigay ka ng rason bakit mo diniclined ang more than 95% na nag-apply sayo.

Di ko lubos maisip kung ano ang basihan mo para e approved or e declined ang isang aplekante. Nag-ja-jack en poy kalang ba. Mukha kasing hindi fair ang naging labanan. Lumaban kang patalikod at walang awa mong pinagtataga ang mga katawan namin. Sana mararamdaman mo ang sakit ng nararamdaman ng karamihan. Gusto mo bang ma-boycott ka ng mga Filipino? Sige ka baka magtampo sila sayo at lalangawin ang paninda mo. 

Hay buhay mga kababayan. Hindi naman ako umaasa pero nasaktan pa rin ako hindi para sa akin kundi sa karamihang nag-a-apply na hanggang ngayon declined pa din. OK lang sakin kasi marami naman akong mapupuntahan. Hindi naman sa pagmamayabang, si Fuse at si Pera247 lang ang di hamak nag disapproved sa loan application ko.

Nawalan nang pag-asa ang karamihan sa mga umaasang ma-approved sa Pera247. Nakailang ulit na mag try to submit their application pero declined pa rin. Ano kaya ang mangyayari sa Pera247. Mukha lang atang naglalaro sila sa mga damdamin ng mga umaasa. 

Pera247 ang No.1 paasa ng bayan! Ngayon ayaw na kitang pansinin baka ako nama'y iyong paasahin. Mahirap mabigo, mahirap umasa kaya hanggang lang muna. Hindi muna kita papansinin. Hahayaan kita sa nararamdaman mo. Sige, ipagpatuloy mo lang yan. Ok lang kung ikaw magsawa, pero pag kami ang nagsawa WHO KA SA AMIN. Hahaha

Coffee break nalang muna at alisin muna kita sa isip ko para madaling maka move on sa iba. Don't worry, hindi lang ikaw ang may ganon, sa ayaw at gusto mo, mawawa ka rin sa eksena. Ang dami na ng mga artista ngayon kaya siguradong merong papalit sayo. Yan ang aabangan ng lahat.

Kaya sa mga umaasa at nabigo, wag nyo ng sayangin ang panahon nyo para antayin si Pera247 na umayos. Mag dalawang buwan na hindi pa rin maayos ang system nila. Walang makausap na matino at mas lalong walang magandang sirbisyong naidulot. Sana mabasa nyo ito at sana tumino na kayo.

6 comments:

  1. sobrang paasa talaga ang Pera247

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pinaasa nya na ako, alam kayo din. Marami na tayong nabigo at nasaktan. Sana hindi ka nalang nagpakita sa amin Pera247. #paasa

      Delete
  2. Sa totoo lang po ako po 5 days lang approved na. And i get the money thru security bank. Mabilis lang po. Hope maka avail din ng loan ang iba nating kababayan tulad q

    ReplyDelete
  3. Hi paano po mag avail nito?

    ReplyDelete
  4. Nag apply aq ngaun lng. Let see anong result . ����

    ReplyDelete
  5. Paasa yan... 4th loan ko na diko ma gets untill now bakit decline ako, pang apat ko na , this past 3 loan ko puro good payer naman ako. No ever late fees... Badtrip

    ReplyDelete

TOP BEST LENDING APPS

USAPANGPERA PH