Wednesday, November 22, 2017

Rewards Galing Kay Tala

Alam kung magaling at madali lang pakiusapan si Tala pero hindi ko alam ganito pala siya kagaling. Palagi akong ginugulat sa text na meron daw akong nakuhang P100 galing sa isang nagloan sa kanila at ginamit ang referral code ko. Ang sender ay galing sa 21585280, registered number ng Tala Philippines at laging nagTtxt sa mga borrowers reminding your due date at amount due, kapag natapos mo na bayaran ang iyong loan at pati din sa pagtanggap mo ng iyong pera galing sa succeeding loans mo sa Tala. Kung meron kayong natanggap na text galing sa number na yan, wag kayong mag panic, hindi yan scammer. Mga reminders at magandang balita lang ang hatid sa number na yan.

Kahapon iba ang mensahe sa natanggap ko, hindi ito reminders kasi matagal pa naman ang due date ko at isa pa hindi ako nagbukas ng kanila mobile apps. Ito ang nakasulat sa mensahe: 

Congratulations! You earned 100Php towards your next Tala loan payment because someone you invited just repaid their first loan. Great job!

Yong amount due ko, mababawasan ng P100 pesos dahil sa unang bayad na ginawa ng isang member na nag-join sa Tala gamit ang aking referral code na: ALD86C

Malaking bagay pala ang nagawa ni Tala sa mga taong tumutulong para makapag apply din ng loan ang iba. Kung meron kang P2,000 na amount due sa kanila, pwede mo itong mabayaran sa pamamagitan ng pagtulong sa kapwa mo para tulad sayo matulongan din ni Tala. Kailangan mo lang ng 20 ka tao para ma completo mo ang P2,000 at automatic itong mababawas kapag saktong nakapagbayad din ang 20 ka tao sa kanilang first due date kung weekly nila itong babayaran.

Kung wala pa kayong natanggap na ganung txt galing sa Tala, at gusto nyong masubukan. Ugaliing tumulong sa kapwa at e guide nyo sila paano makapag apply ng loan sa Tala. Wag nyong kalimutan ibigay ang inyong referral code para magamit nila ito sa kanilang loan application.

Sa ngayon, ang tala ang may pinakamaraming na approved na loan at marami na ding natulongan. Pwede kayong makapag loan ng up to P25,000. On your first loan, they will approved your application sa halagang P1,000. Bawat reloan nyo ay may P500 na madagdag pero depende yon sa evaluation ng tala sa inyong capacity to pay, meaning sa finances nyo naka focus si Tala. 

Pag nabayaran nyo na ang inyong loan at qualified kayo to reLoan, kailangan nyong sagutin ng maayos ang survey question tungkol sa previous loan nyo kung saan nyo ito ginamit at saan nyo din gagamitin ang reloan nyo sa kanila. Nasa inyong details pa rin nakasalalay ang patuloy na pag approved ng Tala sa inyong succeeding reloan.

Kung sakaling ma disapproved kayo sa loan or sa reloan, wag nyong e uninstall ang kanila apps kasi minomonitor din nila ito at malaking bagay din na matulongan kayo para ma approved on your next loan application. Wag mawalan ng pag-asa, minsan ganun naman ang buhay, hindi lahat ng pagkakataon ikaw ang panalo. Pero hindi ibig sabihin pag hindi ka na approved ay tapos na ang lahat. Baka merong nakalaang mas maganda pang opportunity para sayo. Learn to wait and be patient, remember "Patience is a virtue".

No comments:

Post a Comment

TOP BEST LENDING APPS

USAPANGPERA PH