Sunday, December 10, 2017

Paano Mag Loan kay Home Credit

Matunog ang pangalang HOME CREDIT, mapa TV man, mapa social media at kahit mamasyal ka sa mall nandon pa rin sila. Hindi lang sa gadget sila nagpapautang kundi pati na rin pera para pang pocket money mo kung ikaw ay nagtatrabaho at naubusan ng budget sa buong linggo, bago paman ang sahuran mo. Ito ay tinatawag na Home Credit Pocket Cash Loan.

May dalawang halaga ang pwede mong pagpipilian kung gusto mong mag apply ng pocket cash loan. Ang una ay P8,000 ay babayaran mo ito sa loob ng walong buwan. Ang magiging monthly payment mo ay P1,237 lamang. Ito'y may 4.99% interest rate sa total loan amount mo na approved kay Home Credit.

Ang panglawang option ay P6,000 at ito'y babayaran mo sa loob ng anim na buwan. Ang buwanang halaga na babayaran mo ay P1,182 at parehong meron din itong 4.99% na interest rate na madagdag sa total amount na nakuha mo kay Home Credit.

Ang Pocket Cash Loan ng Home Credit ay pwede lamang sa mga nakatira sa Metro Manila area kasama na dito ang NCR pero yong mga nakatira sa Visayas at Mindanao, hindi po pwede sa kanila. Inaasahang magiging available ito nationwide pero hindi pa sinabi kung kailan ito mangyayari.

May limang steps (5 steps) to Apply for Pocket Cash Loan
1. Fill out the form at maghanda ng isang valid id na may address at isa pang valid id, ibig sabihin dalawang valid ID ang kinakailangan at dapat ang isa ay may address mo nakasulat. Pwede mong gawin ang pagfill out ng form online. Follow this link: CLICK HERE!

2. Kung nagfill out kayo ng application between 10am to 9pm, makakatanggap agad kayo ng response sa inyong application with 1 hour through SMS or email. Doon mo malalaman kung approved kayo o disapproved.

3. Kung sakaling approved ang result ng inyong application, Home Credit will advised you to visit their nearest partner store within 2 days since na approve yong application nyo. More than that mention days, hindi na kayo pwede pumunta sa kahit saang partner store.

4. Pagpunta nyo sa partner store, siguraduhing dala nyo yong dalawang valid ID na ginamit nyo sa pag apply online para sa contract signing o mag sign na kayo sa promissory note na babayaran nyo ang utang nyo sa takdang panahon.

5. Pagkatapos ng contract signing, mag-antay kayo ng atleast dalawang araw para sa notification na pwede nyo nang ma-withdraw ang inyong pera galing kay Home Credit.


Loan details & mechanics 
Availability: Apply online, get approved, and receive an sms containing a link to selected partner stores in Metro Manila only. 

Requirements: 2 valid IDs: at least 1 should be government issued and at least either of the 2 IDs has address 

Disbursement: Bank document verifying your account number (only if you want to receive the money through bank) You can choose from 2 disbursement options: 1. Claim the cash from Cebuana Lhuillier or Metrobank branches 

Payment options: You can choose if you want to repay the installments via over the counter or auto debit arrangement. 

Terms and conditions: See our full terms and conditions.

3 comments:

  1. bat ganun sa akin nag cash loan ako sa home credit tapos na ako and good payer naman ako kasi yung 2 years nabayaran ko lang ng 2 mons, bat 1 month na ngayn wala pa rin offer sa akin na cash?

    ReplyDelete
  2. Paano po ako makakapag aplay ng pocket cash loan.hindi pa po ako nag aavail ng ibang credit sa home credit kahit ano ito po sana ang aking first try.makaka avail po kaya ako ng pocket cash loan? Thank you po

    ReplyDelete
  3. Pwede na po ba ako ulit mag apply ng cash loan kaht may existing loan pa ako

    ReplyDelete

TOP BEST LENDING APPS

USAPANGPERA PH