Saturday, December 23, 2017

USAPANG PERA ATBP MISSION!

Ang main goal ng ating blog ay upang matulungan ang mga mambabasa paano makahanap ng legit na lending company. Dahil online mahirap e determine ang legitimacy ng isang company na nag-o-offer ng pautang. Usong-uso na kasi ang pautang online kaya, hindi maiiwasang marami din ang nakikisakay. Ang masaklap karamihan sa mga ito ay hindi tutulong kundi nambibiktima sa mga inosenting mga Pinoy na nagnanais makautang.

Masakit sa amin na makarinig o malalaman na ang isang tao o membro nang isang group ay naging biktima ng SCAM. Sa taong tulad natin na mahilig tumutulong sa kapwa ay nasasaktan sa mga dinaranas sa mga taong nagiging biktima. Karamihan kasi sa mga nagiging biktima ay mga walang alam, hindi rin nag-e-effort para mag invistiga o mag research man lang kung legit ba o hindi ang isang company o tama ba ang ginagawa nitong transaction sa isang individual.

Sa napansin ko bago ko ginawa ang USAPANG PERA AT IBA PA blog, karamihan sa atin ay tamad magbasa at lalong tamad mag-imbistiga sa mga bagay-bagay. Sa panahong ito, mahirap magtiwala sa mga taong hindi natin kilala. Kung naguyo tayo sa mga nakausap natin ng harapan, paano pa kaya ang online o virtual world. Mahihirapan ka talagang magtiwala sa mga taong hindi mo nakikita, ang taning makikita mo lang ang kanilang mga larawan at mababasa ang matatamis nilang mga salita. Ang manggagantso ay napaka galing sa kalakarang ito. Walang scammer na hindi magaling magsalita kaya kailangan natin maging mautak din para hindi maging biktima.

Ginawa ko itong USAPANG PERA AT IBA PA blog upang matulongan ang lahat na makautang sa mga legit na lending company. Karamihan dito ay sinusubukan ko para mapatunayan ang kanila serbisyo at ma-e-share ko sa lahat ng aking mga followers. Halos lahat ng kinakailangan ng isang lending company ay isinulat ko para ma guide ang bawat isa at hindi na ito mahihirapan pa. 

Una, ipinakilala ko muna ang isang company sa inyo aking mga mahal na mambabasa para malalaman nyo ang backgroung ng isang lending company. Kasunod nito itinuturo ko sa inyo kung paano mag-apply. Bukod sa nabanggit, isinulat ko rin ang mga kinakailangang mga documents at mga requirements para maging qualified kayo sa kanilang ino-offer na pautang services.

Nandito na halos lahat ng kailangan nga bawat isa para makautang. Ang kulang nalang ang effort nyong magbasa para malalaman nyo kung ano ang dapat gawin at ano ang mga kailangan mga documents para makapagpatuloy sa pag-apply ng LOANS sa isang lending company na naipost ko na dito sa ating blog.

Pero kahit halos nandito na lahat marami pa ring nahihirapan at marami pa ring nagiging biktima sa SCAM. Bakit nangyari ang ganun? Bakit marami pa rin ang nagtatanong PAANO/HOW sa mga post natin sa PPO o PINOY PAUTANG ONLINE group? Ito'y dahil karamihan sa atin ay TAMAD magbasa. Wala sa ating puso ang pagiging matiyaga sa pag-aaral ng isang bagay. Pinili nga ng iba wag na mag-aral kasi nakakapagod mag-aral ng leksyon. Gusto natin laging madali at mabilis ang lahat. Wala tayong sakripisyo sa ating mga sarili. Ang gusto natin lagi tayong sinusubuan na parang bata. Gusto natin kung magtanong maraming sumasagot. Dahil nasa ONLINE WORLD TAYO, hindi natin alam kung sino ang nagsasabi ng TOTOO at kung sino ang HINDI.


Kinakailangan marunong tayong mag-ara at marunong tayong mag-effort para malaman ang kaibahan ng mga totoo at hindi. Hindi nyo na kailangan pang mahirapan sa paghaloghog sa kung saan para gawin ang mga ito dahil ang USAPANG PERA AT IBA PA ay halos completo na sa mga kinakailangan nyo para magawa nyo ng maayos ang ninanais nyo para lang makautang sa iba't ibang lending companies.

Kung halos nandito na ang lahat, ano nga ba ang kulang? Ang kulang nalang ay IKAW. Ikaw na magtiyagang bumasa at bisitahin ito araw-araw lalo na't ikaw ay nangangailangan ng pera. INAANYAYAHAN KO kayong lahat na bisitahin ang blog na ito araw-araw para magiging UPDATED kayo sa mga pangyayari lalo na kung PERA ang PAG-UUSAPAN. Hindi mo kailangang gumastos ng malaki para mabasa ito, dahil marami ding mga promos ang Globe at Smart para makapag data connection kayo. 

Alam nating lahat na lagi tayong nag-avail ng data connection para makita ang mga photos sa ating mga kaibigan sa facebook pero sana naman isama nyo na rin ang pagbabasa ng ating blog para maraming kayong matutunan at magagamit nyo sa oras ng inyong pangangailangan. Hindi rason ang pagsasabi nyo na FREE DATA kayo, kasi kung gugustuhin talaga ninyong hindi mabiktima ng mga SCAMMER mag-effort at humanap kayo ng paraan para mababasa ang USAPANG PERA AT IBA PA blog na hindi kailangan gumastos ng malaki. Halos lahat ng lugar sa Pilipinas ay meron ng PESONET, pwede kayong gumamit doon para ma-access ang ating blog.


Sa nalalapit na pagbubukas ng ating COOPERATIVE, itong USAPANG PERA AT IBA PA blog ay may malaking role para matutulungan natin ang lahat na may pangangailangan sa pera. Malalaman nyo yan sa darating na araw kung bakit lagi natin itong babasahin at dapat nating suportahan. Bukod sa kaalaman, ang USAPANG PERA AT IBA PA ay marami pang gagawin sa mga buhay natin na laging nagbabasa nito.

ANG PINAKA KAILANGAN LANG NATIN DITO AY MAG-INVEST! Hindi sa pera kundi sa TIME AT EFFORT para mababasa natin ang mga LATEST UPDATES at mga pangyayari sa ating paligid lalo na kung PERA ang pag-uusapan. Pag sinabing INVESTMENT, meron kang makukuha ng tulong galing nito pagdating nang araw. Walang mawawala sayo kung magbabasa ka dito, pero mas marami kang matutunan na siguradong magagamit mo ito sa pang araw-araw na buhay mo kapag lagi kang bumibisita at nagbabasa ng mga bagong post sa USAPANG PERA AT IBA PA.

No comments:

Post a Comment

TOP BEST LENDING APPS

USAPANGPERA PH