Welcome 2018

Share:
Sa lahat ng aming mga members sa Pinoy Pautang Online facebook group at sa aming mga magbabasa sa USAPANG PERA AT IBA PA blog. Maraming salamat sa inyong patuloy na supporta. Sa sandaling panahon lamang nating pagsasama sa 2017 pero one way or another kahit hindi lahat, marami din ang natulongan natin para makapag-apply ng loans sa different lending companies. 

Tulad ng sinabi namin, layunin ng USAPANG PERA AT IBA PA blog para ma guide kayo at hindi kayo mapahamak sa mga mapagsamantalang tao na ngayon ay laging nagmamasid sa ating at nag-aantay lamang na makahanap ng tiempo para makapang biktima ng mga inosenteng tao. Wala yan silang pakialam kung sino ang magiging biktima, importante sa kanila ay makapanglamang sa kapwa at kumakain sa perang hindi man lang nila pinaghirapan. Kaya pinag-iingat namin kayo lagi na laging magmasid at mag-ingat. Huwag makikipag transact sa mga tao na palihim lalo na sa mga hindi nyo kilala. 

May kanya-kanya tayong pangangailangan at marami sa atin frustrated na sa paghahanap ng solution. Instead na makahanap ng solution, marami pa din ang nauwi sa luha at pagdurusa. Maraming nabiktima lalo na sa mga taong pinipilit ang pagkakataon para makapangutang. Kaya pinaalalahanan namin ang lahat na marunong mag-antay, magtiis at mag-effort para hindi mabibiktima ng mga mapagsamantala.

Sa taong 2018, kayo aming pinakamamahal na mga magbabasa sana lagi ninyong tandaan dito nyo lang mahahanap ang mga guide and tips tungkol sa inyong mga pangangailangang financial lalo kung LOANS ang pag-uusapan. Maraming madagdag na mga lending companies na pwede nyong hiraman sa taong ito. Gagawin namin ang lahat ng aming makakaya para maihatid namin ito sa tamang panahon at oras. Inaasahan din namin ang inyong patuloy na suporta sa taong ito.

Bukod sa mga private lending companies na pini-feature namin sa blog na ito. Masaya kaming ipakilala din sa inyo ang ating sariling online cooperative na magsisimula na sa January 2018 at ito'y tatawagin nating PPOC o Pinoy Pautang Online Cooperative. Lahat na gusto sumali ay inanyayahan namin na sundin ang mga guidelines at rules para ma qualified kayo. Malalaman nyo din dito ang mga guidelines kung paano maging member sa ating cooperative.

Ang USAPANG PERA AT IBA PA blog at ang Pinoy Pautang Online Cooperative ay magkaisa para maibigay namin sa inyo ang mga kailangan ninyong financial support. Uulitin namin, PART ng income from our USAPANG PERA AT IBA PA blog ay ibibigay sa Pinoy Pautang Online Cooperative para lalaki ang pundo at
marami ang pwede makakahiram at syempre kayo'y matutulungan. Lagi nating tandaan na dapat qualified tayo para maka apply ng LOAN sa PPOC.

We will announce later kung kelan ang meeting natin para sa karagdagang rules at guidelines, set of officers at marami pang ibang pwedeng pag-usapan. Sa ngayon na nagpapahinga pa kayo at ang karamihan ay nagbabakasyon pa sa kanilang mga probinsya, lubos kaming mag-aantay sa inyong pagbabalik para mag-umpisa na tayo. 

We are continue praying para sa lahat ng members at followers ng ating blog USAPANG PERA at facebook group na PPO. More blessing sa taong 2018 at sana marami na ang magkaroon ng stable income para masagana ang ating pamumuhay sa buong taon. Panatilihin natin ang suporta sa isa't isa sa lahat ng oras hindi lang sa oras ng pangangailangan. Ang USAPANG PERA AT IBA PA blog ay para sa lahat ng panahon hindi lang sa oras ng pangangailangan. UGALIING MAGBASA PARA MAKAKUHA KAYO NG MGA IDEAS NA MAGAGAMIT NYO SA INYONG PANG ARAW-ARAW NA PAMUMUHAY. Kung sakaling magka emergency man, atleast equip na kayo sa mga kaalaman na pwede nyong gagamitin para ito'y masulusyonan. Good health para sa lahat ang isa pa sa amiing pinapanalangin sa taong 2018. 

SEE YOU AROUND!

No comments

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.

Note: only a member of this blog may post a comment.