Home Credit Loan -MY EXPERIENCE!

Share:
Last December naisip ko regaluhan ang sarili ko ng maayos na cellphone dahil ang ginagamit kong cellphone ay basag ang screen at sira na din ang camera sa likod. Kaya pag mag picture ako ng mga id ay front cam ginagamit ko kaya medyo mahirap dahil kailangan ko isakto yung id sa lens at iiwas ang mukha ko kaya mahirap. Kaya lang nag dadalawang isip ako maglabas ng malaking pera dahil nga December madaming gastos. Hanggang sa mabasa ko sa PINNED POST ng PINOY PAUTANG ONLINE ang BLOG tungkol sa HOME CREDIT. Naisip ko mag apply nalang kaya ako total may monthly income naman ako at para downpayment lang ang ilalabas kong pera which is 30%-40% lang ng item na kukuhanin mo.

Kinabukasan nag decide nalang ako pumunta sa puregold na maapit samin na may kiosk ng OPPO at VIVO na partner ni HOME CREDIT. Nauna lumapit sakin si OPPO agent at nag sales talk kaya dun ako sa OPPO napunta. So eto na ininterview na ako ni HOME CREDIT AGENT. Fill up ako ng form, kasama ang character references; 3 relatives at 3 co worker or a friend. Pinaopen din nila sakin ang facebook account ko gamit ang laptop nila for verification daw. Dami ko dinalang requirements. 2 valid id's, brgy clearance, bank statement at proof of billing.



Binigay ko lahat sa agent, natawa yung agent sa daming dala kung ID's at sabi "mam ok na po tong 2 valid id" syempre natawa din ako. Hahaha... Sabi ko "kasi po noon nag apply ako kumpleto din ako sa requirements at may mga remmitances pa ko pero na disapproved." Sabi ng agent "ay oo nga po mam 2014 po". Napaisip tuloy ako na baka disapproved nanaman. So natapos na ang interview at sabi wait nalang daw ako ng call, so nag decide kami ng kapatid ko na mag ikot muna sa puregold habang nag iintay ng call. After 3-5mins may tumawag na nga for interview, tinanong lang address ko, unit na kukunin ko at kung magkano downpayment ko at magkano ang monthly installment. After ng call may na received ako na text....

Kinakabahan pa nga ako nung una, na ma-decline ako uli. Pero nilagay ko na sa isip ko na mare-reject ako, para di na ko umasa pa. Kasi parang pag-ibig  lang -masakit pag umasa ka tapos wala lang pala. Hahaha. Back to the story...di ko pa nao-open ang txt eh... nakita ko nalang si HOMECREDIT AGENT tumatakbo palapit sakin at sinabi "mam ok na po ang application nyo". Laking tuwa ko Wow! na-approved ako! After ko magbayad ng downpayment, 20 mins lang nauwi ko na ang cellphone na kinuha ko na may 6 months to pay at 0% interest pa. Pag-uwi ko ng bahay paakyat palang ako sa hagdan nagri-ring ulit cp ko....pag sagot ko si HOMECREDIT. 



Pinaliwanag ulit sakin yung terms and conditions pagkatapos namin mag usap pinalitan ko na din ang password ng aking facebook account, for security reason syempre. Sumunod na linggo sinama ko naman don friend ko. Nag apply din sya, 2 valid id's lang binigay nya, isa ako sa nilagay nyang character reference, same procedure ng sa akin. Pagkatapos nya mag fill up at ng interview, sabi ko kain muna kami habang nag iintay ng tawag. katatalikod palang namin tinawag agad kami ng HOMECREDIT AGENT... Ok na daw at approved na ang friend ko. So sabi ko bakit di na sya tinawagan? sabi ng agent kasi daw sa character reference....natawa naman ako. Ganon pala yon? Sa ngayon naka 2 months na ko ng bayad, convinient dahil pwede magbayad sa 7/11 o alin man sa mga bayad centers sa ating lugar.

2 comments:

  1. Hi, totoo po ba yung 0% interest? Wala naman po bang hidden charges? TIA!

    ReplyDelete

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.

Note: only a member of this blog may post a comment.