ESQUIRE FINANCING -2ND LOAN SUCCESS!

Share:
Naka apat na buwan na pala ako kay ESQUIRE FINANCING, INC. Apat na buwan lang ang pinirmahan kung promissory note. Parang kailan lang at tapos ko ng bayaran ang apat na buwan sa first loan ko na P50,000. Based po doon sa pinirmahan ko, twice a month kung babayaran ang loan hanggang matapos ito sa loob ng apat na buwan. Ang due date ko ay every 12th and 27th of the month. Kung nasubaybayan nyo, si ESQUIRE FINANCING lang ang tanging naniniwala sa akin magpautang ng P50,000 na walang collateral. Isa pa rason, lahat ay online pati documents pinasa through email. Isang beses lang magpapadala ng original documents through LBC kapag e claim mo na ang inyong LOAN PROCEEDS.

Tapos ko na ang bayaran ang First Loan. Agad-agad akong nag apply ng reloan. Hiningian lang ako ng 3 consecutive months na Bank Statement. Within 5-7 working days, tatawagan kana sa kanilang loan specialist para ibabalita sayo ng approved ang reloan nyo. Sa ngayon napakaraming applicants kaya hindi agad maibigay nila ang feedback about your reloan. Nong nakaraan hapon, tinawagan ako na pasado ako para sa P100,000 reloan. Dahil pa closed na sila, sinabihan ako na ipasa through email ang mga requirements. Kahapon yon ng umaga kaya agad-agad akong nag tungo sa aking shop para e print out yong mga documents na kailangan nila.

Tapos ma print out umuwi ako at kagabi pinil-apan at pinirmahan ko yong apat na forms. Ginawa ko na rin ang 24 pieces na Post Dated Checks para ipapadala sa kanila through LBC. Kung dati ginawa kung 4 months ang terms ng aking First Loan, ngayon ginawa ko na itong 12 months kaya 24 pieces checks ang ginawa ko para ipadala sa ESQUIRE FINANCING OFFICE. Kanina, nag sent ako ng email sa kanila para ma check kung tama yong nakasulat sa mga documents bago ko ipapadala sa LBC. SO far, Okay naman lahat kaya pumunta agad ako sa LBC para ihulog. Saglit lang ako sa LBC at napadala ko ng ang domunents. Dapat kasi pinapapunta ako sa office nila kaso nasa Davao ako at malayo sa Maynila kaya, pinadala ko nalang ang mga requirements para sa NON-APPEARANCE claim ng aking loan.

Minamadali nila ako na ipadala agad ang aking documents para matanggap nila ito bago paman dumating ang Mahal na Araw. Once natanggap na nila ang aking documents, e didi-deposit agad nila ang aking loan proceed sa Bank Account na binigay ko sa kanila. Pinaka matagal sa LBC ay 3 days kaya next week matatanggap na nila yong documents.  Sinikap nilang hindi aabot sa Holy Week para maibigay nila ang aking loan. Hopefully, sa Tuesday makukuha ko na ang aking reloan sa ESQUIRE FINANCING.

Sa mga gustong mag-apply ng LOAN sa ESQUIRE FINANCING, pwede nyo akong e message kung gusto nyo ng guide paano mag apply sa kanila. Pinakamabigat na requirements ay PDC at Bank Statement. Kung meron kayong PDC, subukan nyong mag apply sa ESQUIRE FINANCING, lalo na kung meron kang negosyong legal. Once na legal, ibig sabihin, completo ito sa permits at iba pang legal na papers. Kung gusto nyong may mag guide sa inyo, please coordinate with us. 

No comments

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.

Note: only a member of this blog may post a comment.