Moola Lending Loan Disbursement Very Fast

Share:
Kung natandaan nyo nong nakaraan araw, pagkatapos kung barayan ang aking loan, nagreloan agad ako after an hour pagkatanggap ko ng confirmation text from Moola Lending na bayad na ang loan ko. Pangatlong reloan ko at nakuha ko pa rin ang highest amount na binibigay nila ang P20,000. Tapos ko magawa ang reloan process, agad-agad nakatanggap ako ng text na CREDITED na ang pera sa aking bank account pero alam ko kinabukasan na yon kasi gabi na nong time na yon at closed na ang bangko. Ang PATUNAY TALAGA na PUMASOK NA ANG PERA sa bank account mo kapag nakakatanggap kana ng EMAIL na may SUBJECT na PAYOUT REFERENCE at PAYOUT CONFIRMATION and REPAYMENT INSTRUCTION. Dalawang email ang matatanggap mo saka mo masasabing pumasok na ang pera sa account mo. Kung wala pa yon at tanging TEXT palang nasa kamay mo, WALA PA ANG PERA MO, nasa hangin pa.

TULAD sa inaasahan ko, mga bandang 4pm ng hapon, pumasok na nga sa account ko ang pera from DRAGONPAY na alam kung galing kay MOOLA LENDING yon. Hindi ako nag check ng email kasi nasa shop ako dahil marami akong inasikaso. Kusa ko nalang binuksan ang BDO online banking ko para e check. Napansin ko kasi sa mga previous experience ko na mga bandang 4pm-5pm pumapasok ang pera instead na 5pm-6pm tulad sa sinabi ng Moola Lending na sa oras na iyon papasok. Nagbibigay nalang din ang Moola Lending ng allowance time para hindi ma disappoint ang client sakaling ma delayed ang pagpasok ng pera.

Hindi tulad sa first -third reloan ko, pagkatapos kong magawa ang reloan process sa website nila. Kailangan pang antayin ang tawag ng isang Moola Lending agent para e confirm ang loan mo at uulitin na naman ang mga terms and conditions na dapat mong bantayan para hindi ka makatanggap ng penalties at mga additional charges. Napakadaling utangan ang Moola. Valid ID lang solve na ang iyong pangangailangan.

Ikaw, hanggang sa bad comments ka nalang ba? Kung sinubukan ko at naka anim na cycle na ako, kahit napaka sensitive ko sa interest pero dahil kailangan ko pinatos ko na. Nakakatulong naman ito sa negosyo ko. By the way, ang inutang ko kay Moola ay hindi ko ginastos sa walang kwentang WANTS. Ginamit ko itong additional capital sa aking munting negosyo kaya every 30 days, nakakabayad pa rin ako.

Payo ko sa gustong umutang kay Moola Lending, huwag abusuhin ang kabaitan ni Moola dahil mabilis itong mag-approved kasi babalik din ito sayo kung sinusubukan mo lang at ang pera ay gagamitin mo lang sa iyong bisyo. Huwag mangutang kung hindi nyo kayang paninindigan ang pinapangako nyo. Hindi masama ang mangutang, magiging masama ka lang hindi ka nagbabayad ng UTANG.

4 comments:

  1. May txt po kayo kahapon na pumasok na sa account ang nahiram na pera ng check po ako ala nman pong pumasok sa account ko.pacheck po pls.thanks

    ReplyDelete
  2. Hello .. Good morning .I received this message early this morning, but I checked my account and nothing has been deposited.

    ReplyDelete
  3. Nagddisburse ba sila ng sat???thanks

    ReplyDelete
  4. Bkt ganun inakusahan nyo akong hind ngbabayad never p akong nadelay ng bayad s inyo may resibo akong senend sa email nyo paulit ulit sasabihin nyo hnd nyo narerecieve lahat ng binigay nyong email senend ko tapos ngaun padadalhan nyo ako ng notice wala akong atraso s inyo maayos akong ngbayad ng utang s inyo pero ang laking abala itong ginagawa nyo s akin ngayon.

    ReplyDelete

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.

Note: only a member of this blog may post a comment.