AEON CREDIT -ANO TO AT PAANO?

Share:
MGA BAGAY NA DAPAT MALAMAN UKOL SA AEON CREDIT

Ang Aeon Credit Service ay isang ahensya na nagbibigay ng pinansiyal na tulong sa mga taong nais kumuha ng kagamitan ng baahay tulad ng mga appliances o furniture para sa kanilang bahay. Kabilan na rin dito ang mga cellphone, tablet at laptop. Nag kagandahan nito ay hindi na kailangan ng down payment para makakuha ng loan.

Para sa mga requirements kailangan ang mga sumusunod:

Pangunahing Valid IDs na  tinatanggap:
  1. UMID
  2. SSS
  3. PASSPORT
  4. PRC
  5. DRIVER’S LICENSE


Kung wala kang pangunahing ID puwede ang mga sumusnod:

  1. COMPANY ID
  2. TIN ID
  3. PHILHEALTH
  4. POSTAL BASIC
  5. VOTER’S ID
  6. BARANGAY CLEARANCE *FOR REMITTANCE ONLY


 Kopya ng latest na tatlong buwan ng alin man sa mga sumusunod:

o   Electricity Bill

o   Water Bill

o   Telephone Bill

o   Cable Bill




Kapag kompleto na ang nakasaad na requirements maaring dalhin sa pinakamalapt na Automatic Centre store na malapit sa inyo (maliban sa  Cebu). Pagkapasa sa mga requirements Kailangan ng personal appearance ganun pa man ang pag apruba ay sa loob lamang ng tatlong araw.

Para sa interes ng loan , 2.95% ang interest rate para sa mga appliances, samantalang ang mga gadgets naman ay may 3.30% interes rate.

Isa pang kagandahan dito ay hindi na kailangang magbigay ng down para sa gamit na gusto iloan ninyo. Kaya pagbalik ninyo sa Automatic Centre ay ibibigay na lamang ang inyong appliances na gustong kunin. Ngunit kailangang po inyong magbayad ng 3 % processing fee o kaya ay Php500, alin man ang mas malaki, ito po ay isasama sa unang monthly installment ninyo.

Para naman po sa gadgets tulad ng smartphones, tablets, at laptops, Iba naman po ang patakaran dahil kailangang magbayad ng 20% downpayment at processing fee na 3% ng kabuuan na halaga ng gadget na gusting kunin o Php500, alin man ang mas malaki.

Para naman sa katanungan kung saan puwede bayaran narito po ang mga sumusunod na puwedeng pag bayaran.

• Automatic Centre

o Tutuban Center

o SM City North EDSA

o Gateway

o Market! Market!

o Sta. Lucia Mall

• Bayad Center

• BPI

• BDO

• Cebuana Luhillier

• ECPay

• Metrobank

• Security Bank

Kaya sa mga nais kumuha ng appliances, furniture o gadget ditto a kayo sa Aeon Credit Services kumuha.

4 comments: