Moola Lending 7th Reloan Sobrang Bilis

Share:
Nong nakaraang Mahal Na Araw,  binayaran ko ang aking loan sa Moola Lending kahit holiday at tanging 7-Eleven lang ang bukas noon na pwedeng daanan ng aking bayad. Ilang minuto lang, updated na ang aking loan sa kanila at pinadalhan ako ng pre-approved link para sa aking reloan. In my case, I am lucky kasi hindi na ako tinatawagan ng kanilang agent para e confirm ang aking loan. Usually, kung nag reloan ako ngayon, kinabukasan pa papasok sa aking bank account ang aking loan proceeds. Nangyari yon for several times na at wala na talagang tawag.

Last Tuesday, ginamit ko uli ang pre-approved link para sa aking reloan. Dapat sana sa Monday yon kaso nag out of town ako at gabi na ng nakauwi sa bahay. Mga bandang 9am ako ang reloan. Isa test din yon kung talagang papasok ang pera within that day. Pero ang mindset ko na kinabukasan pa papasok para hindi ako ma disappoint sakaling hindi nga papasok.

Ilang pindot lang at wala pang 5 minutes tapos na ako sa aking reloan application. Dahil nga wala ng tawag, hindi ko na iniisip masyado ang reloan ko. Pagdating ng alas kwatro ng hapon, sinubukan ko e check ang aking bank account, nakita ko meron ng nadagdag na P18,000 sa aking account. Dahil may bawas ng 10% para sa processing fee, kaya ang P20,000 na loan ay magiging P18K nalang.

Natutuwa ako sa Moola Lending dahil maaasahan talaga sila sa oras ng pangangailangan. Wala ng maraming hinihiningi at wala na ring sakit sa ulo para maghagilap ng kung anu-anong mga requirements. Para sa aking, hindi sila ang #1 sa puso ko pero sa pagdating sa agarang release, isa sila sa Top 10 list ko.

Sa mga followers ng USAPANG PERA AT IBA PA! blog, kung hindi nyo pa nasubukang lapitan si Moola Lending, try nyong subukan. Para lang merong kayong experience sa kanilang serbisyo. ID lang ang kailangan, makakapag LOAN kana sa kanila at within 24-48 hours, nasa kamay mo na ang inyong loan. Kung dati tanging bank account Gcash lang pwede pasokan ng inyong loan proceeds, ngayon pwede na rin itong ma claim sa mga affiliate padala partners ni Moola Landing.

Itong pang pitong pagkakataon na lumapit uli ako kay Moola Lending. Tulad sa mga nagdaang reloans, successful pa rin ito at tulad nong dati napakabilis ng response at nakuha ko agad ang aking pera wala pang 12 hours. Humahanga talaga ako sa Moola Lending. Marami man silang issue dahil sa malaki dawng interest nila, pero patuloy pa rin akong lumalapit nito.

Sana makarating ito kay Moola Lending. Sana yong mga may mataas na credit score sa kanila, kung hindi na pwedeng palakihan pa ang halaga ng pwedeng ma reloan sa kanila, sana doon sa terms nalang sila babawi. Pwede na sana meron silang term options na 1 month, 2 months at 3 months para naman hindi masyadong mabigat para sa amin na nangangailangan. Sa mga gustong umutang kay Moola Lending, please read our Moola Lending loan guide here: https://malalamanmo.blogspot.com/2018/01/moola-lending-sobrang-bilis.html

No comments

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.

Note: only a member of this blog may post a comment.