MCC ATM Salary Loan - Paano MagApply?

Share:
Kinulang ba ang budget mo nitong buwan o sa susunod na linggo? Wala ka bang ibang pagkukunan para masagot ang financial problem mo? Kung ikaw ay may trabaho at tanging hawak mo lang sa ngayon ay ang ATM card mo, pwede ka ng mag-apply ng ATM salary loan sa MCC Money Shops Finance, Inc. Kailangan mo lang ay ang mga sumusunod na requirements:

Official Company ID
2 Government Issued IDs
Latest 2 months payslips
Latest ITR
Bank statements for the last 3 months
Utility Bills
Personal Reference

Kapag nakahanda na ang inyong requirements, pwede kanang mag umpisa gamit ang iyong cellphone or computer. Gawin mo ang pag-apply online sa kanila mismong website address: http://mccmoneyshops.com/atm-salary-loan-application/ Punan lamang ang required details para magawa mo ito ng tama.

I-double check ang mga detalye na nakalagay bago mo pindutin ang SEND para iwas abirya sa inyong application. Hindi na mababago kung ano ang nilagay mo doon kapag napindot mo na ang SEND. Basahing mabuti ang instruction at ilagay ang tamang DATA sa bawat boxes na kailangan ng sagot.

Kung tama ang inyong mga nilagay na detalye mas madali ang pagproseso at mas mapabilis ang approval nito. Tandaan, pwede mong makuha ang inyong loan proceeds sa loob ng tatlong araw kapag nagawa naibigay mo ng tama ang required details na kinakailangan ng MCC Money Shops.

Huwag madaliin ang pagbigay ng mga detalye. Dapat realistic ang nakalagay hindi yong pamaisip pa sila kung tama o hindi ang nakalagay. Yon ang kadalasang rason kung bakit ang karamihan ay bumagsak sa kanilang mga loan applications. Kaya doble ingat mga Kabayan.

No comments