Cashalo at Bank Account Ninyo

Share:
CONGRATULATION! Your loan aplication has been approved. Masarap basahin ang mensaheng gaya nito sa SMS or sa email. Please provide us your bank account to proceed with your loan disbursement. Syempre excited tayo para sa susunod na pangyayari, walang iba kundi maging successful ang loan application at magamit na rin natin ang pera na gusto nating hiramin.

Minsan hindi maiiwasan na magka aberya ang ating loan application. Tulad nalang ng mga maling entry na nilalagay natin sa hinihinging mga detalye? Isa sa mga tagasubaybay natin dito sa USAPANG PERA AT IBA PA! blog ang nadismaya dahil sa misunderstanding nila with Cashalo. 

Sinubukang ilagay ilang beses ang kanyang BDO account number pero hindi nagpapatuloy kasi mali daw kay naisipan nalang niyang ilagay ang bank account ng kanyang kapatid. Sinabi nya ito sa Cashalo representative at nag-agree naman ito. Tumawag uli si Rep at nag-abiso na for disbursement na raw ang kanyang loan. Matapos ang almost 24 hours, walang pumasok kaya nag follow-up ito through email.

Doon sa email, sinabi uli ng taga Cashalo na kailangan niyang magprovide uli ng personal bank details para makapag proceed na sila. Day passed, another email he received at mababasa sa email na DECLINED yong loan nya dahil sa issue of his bank details.

Unang-una naman talaga, hindi sa kanya ang main problema dahil doon sa system ng Cashalo. Yong app nila hindi tumatanggap ng BDO account na nag-umpisa sa 00. Halos lahat ng bank account ni BDO ay nag-umpisa talaga sa dalawang zero (00). Huli na ng malalaman nya na pwede tanggalin ang dalawang zero dahil sa mga nababasa nya sa loob ng PPO.

Msakit mag-expect ng isang bagay na animo'y para masasabi mong PERA NA SANA PERO NAGING BATO PA. Dapat kasi nong conversation palang nila nong Cashalo Rep, about sa bank details na hindi nakapangalan sa kanya, sinabi na nito na hindi pwede para hindi na siya magpapatuloy at mag expect sa isang bagay na alam niyang imposibleng mangyari.

Sa mga followers namin, mag-ingat sa paglagay ng mga detalye nyo lalo na bank account number dahil maraming lending app na hindi tumatanggap ng mga numbers na wala sa system nila at magiging yong nag dahil kung bakit DECLINED kayo. Mabuting magtanong muna kayo sa iba sa pamamagitan ng Pinoy Pautang Online facebook group.

1 comment:

  1. If yung BDO account starts with 01 aalisin din ba yun? I tried alisin lang yung 0 pero hindi inaaccept.

    ReplyDelete

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.

Note: only a member of this blog may post a comment.