HAPPYPLUS CARD ONE OF THE WINNER

Share:
Bukod sa points na ma-earn ng bawat Happyplus user kapag nagbayad ka gamit ang iyong card na may laman, pwede kapang makaka-earn ng raffle entry para sa monthly raffle na pwede kang manalo ng up to P100K. Nag-enjoy na ako sa cashless payment kapag kumain ako sa Jollibee at Chowking, sa dalawang food chain lang naman ako at ang pamilya ko madalas kumain.

Yong points na naipon ko simula pa nong nagkaroon ako nitong card, hindi ko pa nagagamit at patuloy ko pa itong iniipon. Nagbaka sakali lumalaki ito at pwede ko na gagamitin pangbayad sakaling maubusan ng budget. Minsan hindi natin alam baka bigla nalang mag-aya ang anak mo or pamilya mo tapos naubusan ka ng budget, buti na yong meron kang ibang paraan para makakain.

Ang malikom mong raffle entry every month ay mag-expire din pagkatapos ng buwan. Sa next month kapag nagreload uli kayo, another raffle entry na naman makukuha mo at pwede kapa ring manalo sa susunod na raffle draw. Sa mga taong mahilig sumali sa mga raffle draw, malaki chances nyo na mananalo. Hindi ako umaasa sa ganung pakulo dahil madidismaya lang ako kaya hindi ko talaga ito pinapansin.

Noong  Friday, May 25, 2010 I received an SMS at sinasabi doon sa text na nanalo daw ako ng P500. Natawa ako, ito na naman kung anu-ano nalang ginagawa ng mga manloloko. Kaya hindi ko lang pinapansin pero kagabi nag check ako ng email at isa sa natanggap kung email ay galing sa Happyplus, ganun pa rin ang sinasabi nanalo daw ako ng P500. Kaya check ko sa website ng Happyplus at doon sa list of winners nandon nga ang pangalan ko. 

Ito na naman ang pumasok sa utak ko BAKIT hindi sa P100,000 ang napanalunan ko. Hehehe Tao nga naman, instead na magpapasalamat nalang dahil mahirap din hanapin ang P500. Tama ba ako? Oo, walang nagbibigay sayo ng P500 maliban nalang kung eleksyon. Hahaha

Anyway, nagpapasalamat ako sa Happyplus atleast sa susunod na pagpunta ko sa Jollibee or Chowking, meron na akong pampakain sa anak ko na hindi na kailangan magpaluwal sa wallet ko. Kung kayo'y meron ng Happyplus, patuloy nyo lang gagamitin baka sa next draw pangalan nyo na ang lilitaw sa list of winners. Please check all the winners here: https://happyplus.com.ph/april-2018-winners/

No comments