10th Loan kay TALA -P6K APPROVED

Share:
Palaki ng palaki ang nahihiram ko kay Tala Philippines dahil sa pagiging good payer ko sa kanila. Maliban sa una kong loan sa kanila, kadalasan Coins ang ginagamit kung pangbayad sa aking loan para less hassle at mabilis ang posting ng aking payment.


Ang loan proceeds ko din ay sa Coins din pumapasok, ilang segundo lang nasa account ko na rin ang funds. Convenient para sa akin ang Coins dahil wala na itong mga charges di tulad ng Padala at sa Bank. Coins lang ang pinakamabilis sa lahat na proseso sa Tala Philippines, from loan proceeds to your repayments.

Actually, nakasampung reloan na ako kay Tala Philippines. Every loan cycle, madadagdagan ito ng P500. Nagsimula ako sa P1,000 sa aking first loan at ngayon pangsampu, nagiging P6,000 na ang approved loan ko sa kanila. Nakakatulong sa akin ang Tala kahit short term lang ang meron sila. Maliit lang din naman ang interest sa kanila compared sa karamihang lending companies.

Sa P6,000 loan ko kay Tala, magiging P6,900 na ito pagkatapos ng 30 days. Sa lahat ng lending companies na nandito sa USAPANG PERA AT IBA PA! kay Tala ako unang na approved dahil karamihan noon declined ang loan application ko. 

Simple lang naman magloan sa Tala. ID at selfie lang ang kailangan nila sayo para makakahiram kayo. Kapag approved kana, in your succeeding loan wala ng problema dahil hindi mo na kailangan pang bumalik sa umpisa na kailangan ng selfie at ID. Sasagutin mo lang ng tama ang kanilang survey questions tungkol sa previous at present loan mo, kung paano mo ginamit at saan mo rin ito gagamitin.


Ilang minuto lang pagkatapos mong magbayad kung Coins ang gamit mo, maaari kana agad makakareloan at babalik agad ang binayad mo. Kung maganda ang records mo sa kanila, magiging consistent ang pagbibigay nila ng P500 increase bawat reloan mo.

Maganda ang Tala bukod sa mabilis na serbisyo. Mayron din kasi silang referral earnings na ibabawas sa exisiting loan mo. Bawat tao na mai-refer mo sa kanila at na approved, on their first repayment, mababawasan ng P100 ang loan balance mo. Mas maraming tao mas malaki mababawas.


 Maaaring wala ka ng interest ang babayaran mo pagdating ng due date dahil samga taong nai-refer mo sa Tala. Kung sakaling hindi pa kayo nakakautang kay Tala at gusto nyong subukan, pwede nyong gamitin ang aking referral code: ALD86C


Sa ngayon pagkatapos mawala sa ere ang Cebuana Happy Loan, Tala Philippines ang nangunguna sa lahat ng online at offline lending companies based sa survey na aming ginawa dito mismo sa USAPANG PERA AT IBA PA! Mula sa tagapamahal ng blog na ito, nagpapasalamat kami sa lahat sa inyong patuloy na pagsusubaybay dito sa amin.

Para sa complete guide kung paano magloan kay Tala, sundan nyo lang ang nakasulat sa link na ito: https://malalamanmo.blogspot.com/2017/10/tala-philippines-how-to-apply-loan.html

Naway patuloy kayong matutulongan namin lalo na sa pag diskobre ng mga bagong lending companies na maaaring magpapahiram sa inyo ng pera sa oras ng kagipitan. SALAMAT SALAMAT SALAMAT! 

1 comment:

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.

Note: only a member of this blog may post a comment.