8th Moola Lending Loan Repayment

Share:
Sa panahon ngayon lahat nalang mabilis. Ang takbo ng mga araw ay kadalasan hindi mo mapapansin o namamalayan. Ang pinaka-ayaw ng karamihan, ang pagdating ng iyong bisita na si JUDITH. Yon ang viral photos na nakikita natin lalo na sa mga mayrong inaantay na DUE DATE (JU-DITH) sa ating mga LOANS. Akala ko hindi na darating si JUDITH pero kahapon lang, dumating talaga si DUE DATE ko sa Moola Lending.

Three days akong sobrang busy dahil sa importanteng bagay, pati cellphone ko hindi napagtuonan ng pansin. Pag-uwi ko sa bahay bandang 7pm, I checked all SMS at nabasa ko yong paalaala ni Moola Lending na huwag kalimutan ang aking DUE DATE para sa P20,000 na utang ko nong nakaraang buwan. Five days ago, nakakatanggap ako ng tawag mula sa isang agent ng Moola Lending, tinanong ako kung mababayaran ko ba ang P26,000 na due ko sa June 3, 2018 para daw ma noted na nila for my next reloan. Gaya ng dati, sinabihan ko sila na babayaran ko sa araw na iyon.

Pagkatapos ng haponan, mga bandang 9pm umalis kami sa bahay kasama kapatid ko at nagtungo sa pinakamalapit na 7-Eleven para bayaran ang aking loan kay Moola Lending. Sa sobrang pagmamadali, pagdating namin sa doon after 10 minutes wala pala sa bulsa ko ang aking cellphone kung saan nandoon ang REFERENCE NUMBER para ma-proccess sa 7-Eleven ang aking loan sa Moola Lending through Dragonpay. Kaya agad kami bumalik para kunin ang aking cellphone. Sa totoo lang very challenging talaga tong Moola Lending repayment ko everytime dumating ang oras ng bayaran. Ganun paman, nabayaran ko rin ang aking loan worth P26,000. Kahit malaki ang interest kapag will mong bayaran ang iyong utang, mababayaran mo ito ng walang pagdadahilan.

Pagkadating sa bahay galing sa 7-Eleven, I clicked the link na pinadala ni Moola Lending through SMS, kasabay sa confirmation na updated na yong loan ko at nagpapasalamat dahil bayad na ang aking utang. Ang link na yon, ay pre-approved na hindi mo na kailangan pang mag fill-up pa ng form para mag reloan. Dahil masyadong late na at wala ng tao sa office ng Moola Lending, wala ng nag-approved sa aking reloan request. 

Dahil repeat good client nila ako, wala ng agent na tumatawag para e confirm ang aking loan at ulitin na naman ang kanilang terms and condition. Pagkapatak ng 8:01am kanina, agad may natanggap akong SMS na approved na yong reloan ko.

No comments

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.

Note: only a member of this blog may post a comment.