A MESSAGE FROM OUR READERS

Share:
NAKAKATABA NG PUSO KAPAG NAKABASA KA NG GANITONG COMPLIMENTS galing sa mga readers na natulongan ng USAPANG PERA AT IBA PA!. Instead na puro tanong at reklamo o kung anu-anong negatibo ang sinasabi, PLEASE SUNDIN NYO na LANG ANG GINAWA ni Ms Jho Reign NAGTIYAGANG MAG-APPLY. MALINAW NAMAN ang sinasabi nya na nakailang disapproved o DECLINED din ang naranasan niya pero hindi siya nawalan ng pag-asa hanggang nakuha niya ang halagan na kailangan niya para magamit sa pag-aaral ng kanyang anak.

Dapat tuloy pa rin hanggang makahanap ng lending na magbibigay sa inyo ng tuwa at ligaya. Huwag agad mag huminto at magreklamo. Hindi madaling mangutang sa kaibigan, kamag-anak at pati sa kapitbahay, paano pa kaya kung sa ONLINE na hindi nila kayo kilala. Marami naman ang madaling nagpapautang dati pero bigla itong nagbago dahil marami ang hindi marunong magbayad.

Ms. Jho Reign Salamat po sa magandang mensahe para sa amin na bumubuo ng PPO at sa mga moderator na laging nandito para ma-guide ang lahat. Naintindihan naman namin na hindi lahat na-appreciate ang effort namin pero kung lahat magtiyaga at mag-effort gagawin ang guide namin, siguradong ma-approved din ang application ng lahat. Marami kasi sa member ng PPO na gusto agad nilang makuha ang pera na gusto nila sa isang iglap lang na walang ka- effort2x. Basahin nyo ang mensahe ng aming reader and follower sa USAPANG PERA AT IBA PA!


"Share ko lang. Sobrang thankful ako sa admin ng group na to dahil naging way ang group na to para Nakapagloan ako ng 22k. Ilang araw ako namroblema sa pera pambili ng books ng anak ko at pangbili ng plane ticket ng anak ko na nagbakasyon sa province. Para makaabot siya sa pasukan nila sa June 18. Nandyan yung umiyak na ako kung saan ako kukuha pambili ng plane ticket. Since wala ako ibang mahiraman nagsearch talaga ako ng mauutangan at napunta nga ako dito. I was only here since yesterday at nagtyaga lang ako magbasa ng mga post. Ilang beses din ako nadecline sa iba pero sa awa ng diyos may naapprove naman. 10k from Cashmart, 7k Cash lending and 5k Cashalo. Mga 10 siguro inaplayan ko lahat pero hindi ako naggive up dahil need ko talaga ng cash hehe. Sa may gusto visit nyo na lang din website nila. Cashmart walang phone apps website lang. Yung Cashalo at Cashlending lang may phone apps. Backread lang din kayo at applayan nyo bawat site na nakikita nyo sa mga post. Sss id, tin id, company id, payslip at meralco bill lang ang puhunan ko. Again more power sa group na to at sa admin."

Kung marunong tayong magtiyaga at mag effort, sigurado talagang may nilaga tayo. Tandaan natin na mahigit 50 LENDING COMPANIES ang nasa blog namin. Kung sundin nyo lang ang guide at ibigay ang mga kinakailangan requirements, malaki ang chances na papasa kayo. Huwag lang maging tamad magbasa at maghanap ng mga lending companies na maaaring FIT sa income at personal details mo.





No comments

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.

Note: only a member of this blog may post a comment.