GOLDEN HAVEN MEMORIAL -KNOW IT!

Share:
Ito ay binubuo ng Villar Group of Companies para sa mga naiwang kapamilya ng mga yumaong tao upang sa gayon ay mabigyan nila nga disenteng libingan ang kanilang minamahal sa buhay na yumao na. Tipikal sa tao na ipakita ang kanilang pagpapahalaga sa kanilang yumaong ka mag anak ang pagbigay sa kanila ng matino at maayos nang paghimlay kaya naman naisip ng kompanya na buuin ang konseptong ito.

Dalawang klase ang sakop nila :
1. Chapels and Crematorium
a. Chapel
Para sa package na ito ang nakapaloob ay ang burol na madalas ginaganap sa kanilang mga Chapel na matatagpuan sa iba’t ibang lugar. Kadalasan ang burol ay tumatagal sa loob ng apat na araw at tatlong gabi. Kasama na rin dito ang funeral car na gagamiting sa libing , ang kabaong na depende sa klase ng package na kukunin, isang guest book, 2 punda ng unan, bedsheet, 5 galon ng tubig at 100 hangang 200 na pirasong instant coffee na may kasama na ring baso at panghalo. Para sa kapasidad naman ng bisitang kayang isakop nito ito ay mula 40 hangang 60 katao.


b. Crematorium
Para sa package na ito may mga pamilyang naniniwala sa pag sunog ng bangkay ng yumao at ito ay inilalagay sa sisidlan na tinatawag na Urn.

Sa package na ito kasama ang apat na araw na burol at kasama ang kabaong na gagamitin. Pagkatapos nito ay puwede nang I-cremate ang bangkay at kasama na rin ang paglagyan na Urn.

Pero mayroon ding pagpipilian napackage kung saan puwede ring diretso na itong i-cremate.


May apat na klase ng kabaong:
a. Classic Solid Bronze
b. Barnet (Onyx Gold) G18
c. Barnet (Onyx Gold) G18
d. Barnet (WHTBRU) G18

• Mga kailangan para sa libing:
• A. kompletong Interment Order
• B. Kopya ng Death Certificate
• c.proof of ownership (Certificate of Ownership or Special Power of Attorney authorizing the bearer to act in behalf of the buyer
• d. Dapat ay buo na ang bayad

Ang kagandahan nito kung sakaling hindi mo pa nabayaran ang kabuuan ng policy mo at ikaw ay namatay na , ito ay ibibilang bilang fully paid at puwede nang gamitin para sa burol ng policy owner.Kaya para sa seguridad na hindi mahihirapan ang ating pamilya pagtayo ay sumakabilang buhay ay kumuha na kayo ng memorial plan sa Golden Haven Memorial.

No comments

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.

Note: only a member of this blog may post a comment.