Mga Kasinungalingan to Defend MLM Scams

Share:
Siyam na kasinungalingan na ginagamit upang ipagtanggol ang MLM Scams

Ang pundasyon ng Multi Level Marketing  (MLM) ay itinayo sa pamamagitan ng mga kasinungalingan. Hindi lang kung paano sila magbenta pati na rin kung paano sila dumepensa. Subukan mong maglahad ng iyong opinyon tungkol sa MLM at tyak na dudumugin ka ng kanilang mga  representante upang agad na dumepensa. Ang misyon ng aking blog na ito ay upang bigyan kayo ng mga impormasyon upang maipagsangalang ninyo ang inyong mga sarili laban sa mga scammer na ito.  Heto ang 9 na kasinungalingan na kanilang ginagamit upang depensahan ang MLM scams, at kung paano mo sila tugunin.

9. Ang MLM ay mas mainam kaysa sa Mcdonald’s franchise

Sa pagfranchise mo ng isang produkto nakapagtayo ka na ng isnag matatag at kilalang produkto at nakapagtatag ka na ng isang matagumpay na negosyo sa simula pa lang, at isa yon sa pinaninindigan nila na sila  ay nagbibigay ng ganitong uri ng matagumpay na negosyo.

Ang MLM ay hindi sa sakop ng franchise law, dahil ang MLM ay hindi isang franchise company, Ang MLM ay isang 100% na kumpanyang kumikita sa pamamagitan ng komisyon,  pero patuloy pa rin nilang ginagamit ang ganitong Sistema upang makahiyakat ng mga tao.

8. Ang MLM ay hindi maaring maging pyramid scheme, dahil sa  may mga produktong ibebenta.
          
Sa panahon ngayon naiba na ang kanilang istilo upang hindi mahalata na pyramid scheme ang ginagawa nila. Pinapalabas nila na lahat ng kita nila ay dahil sa produktong kanilang ibinebenta, subalit ang malupit na katotohanan dito ay ginagamit nila ang inyong pera ayon sa kanilang pangangailangan.

7. Ang MLM ay magaling at may mabisangn produkto na nakakagaling ng cancer.

Lahat ng produkto ng MLM ay hindi dumaan sa pagsusuri ng FDA, para patunayan na ito ay nakagagamot ng ilang malulubhang sakit,  subukan mong magkomento ukol dito at tyak na ikaw ay dudumugin ng mga representante ng MLM sasabihin nila sayo at palalabasin na isa sa kanilang mga kamag anak ay may malubhang sakit na napagaling ng produkto ng MLM gaya ng diabetes at cancer. Ito ay malaking kasinungalingan. 

Ang mas nakakapukaw ng aking atensyon ay ang malaman na ang MLM ay nakaban sa US dahil sa ganitong pag angkin na ang kanilang  produkto ay nakakagaling,  subalit ang kanilang mga representante ay patuloy sa ganitong gawain.

6. Ang lahat ng nagbibigay ng komento MLM ay itinuturing nilang haters.

Ang sinumang magkomento ng di ayon sa MLM ay agad nilang aatakihin iboblock at babansangang haters, at pagkatapos nilang gawin ang mga ito, susundutan nila ito ng wala na namang habas na kasinungalingan.

5. MLM ay isang entrepreneurial journey, hindi ito nakakaranas ng pagkalugi kagaya ng ibang mga negosyo na dumadanas ng parehong pagkabigo

        Noong 2004 ang isiniwalat ng Herbalife na sa huling 12 buwan 60 porsyento ng kanilang mga supervisor at 90 porsyento ng kanilang distributors ay hindi na nakabalik pa.
      36 porsyento na mga bagong negosyo ay bumabagsak pagkalipas ng dalawang taon. -statisticbrain.com
        38.8 hanggang 45 porsyento ng bagong negosyo ay bumabagsak pagkalipas ng apat na taon- U.S. Bureau of Labor Statistics
      51.2 porsyento naman ayon sa U.S Census Data na bagong negosyo ay bumabagsak pagkalipas ng limang taon.

Kasinungalingan

4.   Ang Network Marketing ay isang pyramid scheme? 

Ang sagot ko ay isang malaking OO. Karamihan sa MLM supporters ay ganito ang ginagawa na parehong lohikal ng paghikayat sa tao ng pag invest ng salaping ipon, kagaya ng tradisyunal na kumpanya na  may mga taong pinapasahod, ang MLM ay may ganito rin Sistema.

3. Mayroon akong kaibigan na kumikita ng may 6 na figures.

Fake it until you make it na ito rin ang sinabi ni Mark Hughes ng Herbalife at ito rin ang taktikang ginagamit ng mga representante ng MLM, at walang sinuman ang pwedeng kumita ng ganong kalaki halaga sa loob lamang ng maikling panahon.

2. Kapag ikaw ay sumali sa MLM isa ka na sa nagmamay ari nito at hindi mo na kailangan manilbihan pa sa iyong boss.

Ito ang mga salitang pilit na ipapaunawa sayo ng MLM representative, na kapag ikaw ay sumali sa kanila maari mo ng gawin ang gusto na parang ikaw ang boss din sa MLM, pero ito ay malayo sa katotohanan, bilang MLM reprensentative ikaw ay kabilang sa kanilang tinatawag na independent contractor, at nakapaloob sa inyong kontrata na kailangan mong magbenta ng kanilang mga produkto at magrecruit ng iba pang contractors, at nakapaloob din sa inyong kontrata na lahat ng iyong magiging customers o kliyente ay hindi sayo nakapangalan kundi sa MLM  mismo, at kung sakali man na kuhanin mo ulit o bentahan ang iyong customer ang iyong pagiging distributor ay kanilang kakanselahin

Kasinungalingan na naman
1. Bakit magtatrabaho ng buong maghapon kung pwede ka namang kumita ng malaki sa iyong kakaunting oras lang.

Ito ang isa pa sa kanilang ipinanghihikayat sa mga tao,  madali nga namang mahikayat ang isang tao sa ganitong pamamaraan, kadalasan ding pinapakitaan nila ng mahahaling sasakyan or bahay ang isang tao na nais nilang mapaanib upang lalo itong maingganyo.
Isang kasinungalingan at walang basehan ang ganito mga gawain ito ay isang pandaraya at ito ay labag sa batas.

Ang isang mamumuhunan na may may mataas na uri ay hindi tumitigil sa pagpapakita ng mga paraan para kumite ang isang indibidwal, ganunpaman hindi nila hihikayatin na magresign ang isang tao sa kanilang pinagtatrabahuhan upang mamuhunan lamang sa kanila.

 Ang majority sa pagdating sa usaping direct selling ay nakakabenta lamang sa loob ng isang taon ng $10,000 na may panggitnang kita na $2,400, o $200 lamang kada buwan. Hindi kasama dito ang iyong mga gugulin. -pinanggaling ng impormasyon FTC

Ang realidad ay MLM scams ay hindi isang product based sales sa mga kliyente ito ay nakapokus sa pagrerecruit ng mga tao, hindi pinagbabatayan dito ang pagbebenta ng produkto ito ay pantakip lamang nila, dahil ang pinakalundo nito ay kung gaano karami ang marerecruit mong mga tao, dahil dito sila kikita.

No comments

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.

Note: only a member of this blog may post a comment.