Pangunahing Gabay ukol sa Personal na Pautang sa Pilipinas

Share:
Narito ang ilang mga dahilan kung bakit tayong mga Pilipino ay kumukuha ng Personal loans.

Medikal
   Karamihan sa mga personal na pautang ay madaling kuhanin ayon na rin sa paggamitan nito. Dito sa ating bansa, bukod sa Philhealth marami sa ating mga kababayan ang walang health card, at ang ganitong sistemang pangkalusugan ay limitado lamang. Ang gastusing medical dito sa atin ay lubhang napakamahal kaya naman nagkakasya na lamang ang iba na gamutin ang sarili sa pamamagitan ng pag inom ng mga halamang gamut, at kung hindi na matiis ang sakit don pa lamang magpapasiyang pumunta sa manggagamot, kaya naman upang makabayad sa gastusing ito kinakailangang magloan ang iba upang mabayaran ito.

Sweldo
   Ang payday o salary loan ang sagot sa panalangin ng mga manggagawang hindi makakuha ng cash advance o Bale sa ibang termino sa kanilang pinagtatrabahuhan. Maaari mong gamitin ang personal loan ayon sa gusto mong paggamitan maging ito man ay sa pagkain o mga biglang gastusin. Karamihan sa atin ay nagbubudget, upang maisaayos ang mga pinansyal na obligasyon, at alam din naman natin na hindi io nasusunod kapag dumarating ang mga hindi inaasahang gugulin. Kagaya halimbawa ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin  sa ating bansa ito ay nababago ng walang kahit na anumang pasabi, at upang magkaron ka ng dagdag na pera sa iyong bulsa para ipandagdag sa ibang mga gugulin, ang payday loan ang pinakamainam na solusyon para rito.

Bakasyon
   Ilan sa mga kumpanya ng pautang ay nagbibigay ng personal loan para sa byahe, at karamihan sa kanila ay nagbibigay ng suhestyon na gamitin ang personal loan, upang masunod ang pinapangarap at hindi malilimutang bakasyon. Dahil dito karamihan sa atin lalo ang mga kabataan ngayon ay nahihilig sa pagpunta sa iba’t-ibang lugar maging ito man ay sa loob o labas ng bansa mas ninanais nila ito kaysa sa pagbili ng mga gadgets. Kung makikita mo sa mga social media ngayon gaya ng Facebook karamihan sa ating mga kakilala, kamag-anak at kung sino-sino pang mga tao ay nahihilig magtungo sa mga beaches, hiking, o nangingibang bansa upang doon magbakasyon ng ilang araw.

Kasal
   Ang pautang para sa kasal ay isang personal na pautang na idinesenyo upang bayaran ang bayarin sa kasal. Karamihan sa mga nagbabalak ng mag-asawa  ay handang gumastos at gamitin ang ganitong pautang upang makamit ang pinapangarap nilang kasal.
Pagkukumpuni
   Ang house loan ay isang partikular na pautang para ayusin o maglagay ng extension sa inyong bahay. Ang ilan sa ating mga kababayan ay may matibay na pundasyon at matataas na flooring upang hindi pasukin ng tubig  baha ang loob ng bahay kapag dumarating  na ang panahon ng tag-ulan.

Debt Consolidation
   Kung ikaw ay maraming utang at nahihirapan kang masubaybayan ito ukol sa petsa ng pagbabayad, ang pag iisa o pagsasama-sama nito ang mabisang solusyon. Maaari mong bayaran ang iyong mga utang upang maging isa na lamang ang iyong babayaran sa paraang ito mababawasan ang iyong alalahanin, makakatipid ka sa oras, pagod at panahon at maging sa pagbabayad ng interes sapagkat isa na lamang ang iyong babayaran gamit ang personal loan, at dahil sa nabawasan ka ng bigat ng pasanin sa utang siguruhin na hindi ka mahulog sa isang paggastos na hindi kinakailangan.

Furniture at appliances
     Dahil sa ang personal na pautang ang siyang may pinakamadali sa lahat ng loan, at maaari mong gamitin ito sa kahit na saan mo gusto, kabilang na dito ang pagbili ng furnitures at appliances para sa iyong tahanan.  Kalimitan ang mga Bumbay ay nag-aalok ng mga appliances na may termino ng arawang pagbabayad.

Ano ba ang Secured Loan?
    Ang secured loan ay may mababang interes rate dahil ito ay nagbibigay sa nagpapautang ng mas mababang panganib na sila ay hindi makasingil ng pautang. Ibig lamang na sabihin nito na ang isang nangungutang ay kinakailangan may  maibigay na kolateral gaya ng bahay o titulo ng lupa, sasakyan, o iba pang mahahalagang bagay na maaaring magamit sa pagkuha ng loan, at ito ay  maaaring maipagbili ng isang nagpapautang kung sakali hindi makabayad ang isang nangungutang. Dahilan sa ganitong sistema ito ay may kondisyong dapat ay karapat dapat at kumpleto ang mga kinakailangang dokumento sapagkat ang karamihan ng nagpapautang ay ganitong pamamaraang ginagamit upang mas madali itong maaprubahan.

Ano ang Unsecured loan?
   Sa unsecured loan naman ay hindi na kinakailangan ng asset o property upang ikaw ay makautang, subalit ang pautang na ito ay may mataas na interes, at dahil sa kumpetisyon sa mga nagpapautang nag-aalok ang iba ng mababang interes para sa mga gustong mag-apply para dito sa ganitong loan. Ang hindi pagpalya o pagliban sa pagbabayad ay magreresulta sa magandang credit score. Gayunpaman kung ikaw ay hindi makahulog o makapagbayad ng ilang beses ito ay magbubunga ng pagbibigay nila ng abiso, kaugnay ng hindi mo pagbabayad kung sa kabila ng kanilang paalala ay hindi ka pa rin tumutugon dito ang nagpautang ay mapipilitang gumawa ng legal na aksyon laban sayo. Ang Cash Mart Philippines ay nagbibigay rin ng iba’t ibang loans kabilang na rito ang car loans, salary loans, at OFW loan na kabilang sa unsecured loans.

Personal Loans ayon sa itinakdang halaga

Fixed personal loans
   Ang itinakdang halagang ito ay hindi nababago sa buong panahon ng pagbabayad ng iyong personal loan, kahit na magkaroon pa ng pagbabago sa ekonomiya ng ating bansa ito ay mananatili pa rin sa ganoon estado.  Madali mong maisasaayos ang iyong buwanang gastusin sa ganitong pamamaraan, subalit mas mataas ang itinakdang interes nito at magkakaroon ito ng epekto sa iyong prepayments. Ang prepayments ay ang dagdag na halaga sa itinakdang bayad. Kung ang iyong repayment scheme ay nagkakahalaga ng P4,000.00 sa buwang ito, hindi ka maaaring magbayad ng P5,000.00 upang agarang matapos ang iyong utang. Hindi rin lahat ng nagpapautang ay may ganitong pamamaraan, kailangang siguruhin at linawin ito sa iyong tagapag-pautang.

Variable rate personal loans
   Ang ganitong uri ng loan ay mabilis at maaaring magbago ang rate sa anumang oras habang nasa panahon ng pagbabayad ng utang. Ito ay may mas mababang rate, ganunpaman maaari itong tumaas sa paglipas ng panahon, na maaaring magresulta sa hirap na pagbalanse ng iyong budget.

Paano pumili ng Personal Loan
   Humanap ng isang personal loan na may mababang interes sa mas maikling panahon. Ibig sabihin lamang nito na humiram lamang ng maliit na halaga upang maiwasang matukso na umutang ng hindi kayang bayaran. Alamin kung mayroon kung may bawas ito kapag ikaw ay nagbayad ng mas maaga sa itinakdang panahon. Alamin ang halaga ng penalty kung ikaw naman ay late sa pagbabayad. Gamitin ang Personal loan calculator upang makita ang iyong inaasahang babayaran upang maaga at madali mong maisaayos ang iyong buwanan o twing ikalawang linggong budget. Maliban sa interes rate at processing fee alamin kung may karagdagang singil na ibinibigay ang iyong tagapag-pautang. Pumili din ng paraan ng pagbabayad iyong mas madali at mas magaan, maaaring ito ay lingguhan, ikalawang linggo, o buwanan na may petsa ng napagkasunduan.

Personal Loan ang akmang solusyon para sa iyong pamumuhay
Maaari mong gamitin ang iyong personal loan sa isang magarbong bakasyon, makabili ng signature bag na iyong ninanais, bumili ng singsing para sa iyong pinapangarap na kasal, makapagsimula ng negosyo, ilibre ang iyong pamilya sa isang espesyal na okasyon, para sa binyag ng iyong bagong silang na anak, at marami pang iba na paggugulan na nasa iyong listahan. Kung ikaw ay nangangailangan ng mabilis at madali cash loans na hindi masasakripisyo ang iyong pamumuhay, sa pamamagitan ng online application gamit ang kanilang portal maaari kang mag-apply sa Cash mart maaari mo ring icalculate ang iyong personal loan, gamit ang kanilang loan calculator. Kapag naayos na at kumpleto na ang lahat ng kanilang hinihinging dokumento hintayin ang kanilang pag-apruba at makukuha mo rin ang iyong inutang sa parehong araw na ikaw mismo ang pipili ng petsa ng iyong pagbabayad. Maaari kang tumawag sa kanila kung may karagdagan pang katanungan.

Seguridad para sa personal na impormasyon
   Ang aming grupo ay handang tumulong sa kahit na anumang katanungan sa kahit na anung oras sa anumang panahon sa pinakamainam at pinakamataas na uri ng aming serbisyo, kasama na dito ang pag-iingat sa inyong mga personal na impormasyon.  Ang Cash Mart ay hindi kailanman isisiwalat ang inyong mga impormasyon sa kahit kaninong indibidwal maging ito man ay sa negosyo. Kung may nais kayong malaman huwag mag-atubiling magtanong o kumontak sa amin gamit ang inyong internet connection.

Bakit ang Cash Mart ang pinakamainam na inyong piliin?
   Ang mga bangko ay nagbibigay ng pautang, kabilang na dito ang personal loans at hindi rin lingid sa ating kaalaman na mahigpit sila sa pagbibigay ng regulasyon, kaakibat nito nagbibigay sila ng mahabang listahan ng mga kailangang isumiteng dokumento na alam nating karamihan sa ating mga kababayan ay hirap sa pagkuha nito, at dahil na rin sa haba ng listahan ng mga dokumentong kailangang ipasa bumibilang ng araw o linggo bago maaprubahan ang iyong loan. Sa kabilang banda ang cash mart ay nagbibigay naman ng mas kakaunting kinakailangang dokumento para sa pagpapatunay. Isa pang kagandahan sa cash mart ay hindi mo na kinakailangan pang pumunta ng kanilang opisina upang kuhanin ang iyong naaprubahang loan, ito ay diretsong papasok sa iyong bank account.


1 comment:

  1. Interesado ka ba sa mga pautang? Sa RIKA ANDERSON LOAN COMPANY, nag-aalok kami ng lahat ng uri ng pinansiyal na tulong sa lahat ng indibidwal na "personal na pautang, mga pautang sa pamumuhunan, pautang sa pautang sa pautang at mga kumpanya sa pautang sa buong mundo, ang aming interes rate ay 2% kada taon. Nagbibigay din kami ng pinansiyal na payo at tulong sa aming mga kliyente at mga aplikante Kung mayroon kang isang mahusay na proyekto o nais na magsimula ng isang negosyo at kailangan ng pautang upang gastusin ito agad, maaari naming pag-usapan ito, mag-sign isang kontrata at pagkatapos ay pondohan ang iyong proyekto o negosyo para sa iyo kasama ng World Bank at Bank ng Industriya.

    Makipag-ugnay sa RIKA ANDERSON LOAN COMPANY ngayon para sa anumang pera na gusto mo.

    Kategorya ng Negosyo

    Merchandising Business.
    Negosyo sa paggawa
    Hybrid Business.
    Single pagmamay-ari
    Partnership.
    Kumpanya.
    Limitadong kumpanya pananagutan.
    mga personal na utang.
    mga pautang sa pamumuhunan.
    Utang na Utang.
    Home Loan.

    RIKA ANDERSON LOAN COMPANY

    Ang iyong mga pangangailangan sa pananalapi Makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng Email:
    Email: rikaandersonloancompany@gmail.com
    Whatsapp: +1 (914) 705-7484

    ReplyDelete

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.

Note: only a member of this blog may post a comment.