Umbrella Loan Disbursement in 3 Ways

Share:
Kasalukuyang unavailable ang cash pick-up dahil under rennovation ang office nila sa Makati. Marami na ding nagpunta sa sinasabing office address nila pero wala pang nakaopisina doon. Iyon din ang sabi ng isang client na medyo na asar dahil walang tao doon at tanging security lang ng building ang nakakausap nya sa lugar. Naghihimaktol ito sa kanyang Playstore ratings and review.

Sa ngayon mayron silang tatlong methods to get your loan. Dahil hindi pa ito supported na kanilang app, maaarin nyong gamitin ang app messenger nila para makausap ang kanilang agent or staff at maaayos ang pag disburse ng inyong loan.

1. GCash
Ang GCash ay isang virtual wallet powered by Globe Telecom. Pwede mo itong ma-withdraw through GCash ATM at any atm machine nationwide. Kailangan lang sabihin mo sa agent ng Umbrella ang iyong GCash registered mobile number and ang inyong name para ma-process nila ang iyong loan disbursement. 

Laging tandaan na per batch ang disbursement ng ganitong method. Nagbigay sila ng dalawang magkahiwalay na oras, ang unang batch ay gagawin at 12noon at ang pangalawang batch naman at 6pm.

2. Deposit to Bank Account
Kung pipiliin nyo ang deposit to bank account, mag message kayo sa kanila sa Umbrella messenger at ibigay nyo ang inyong Bank account details like account number and account full name. Ang deposit to bank method ay available mula Monday up to Friday, maaaring papasok ito sa account nyo between 2pm to 4pm. 

This method ay hindi available during weekend and holidays. Kung nagkataon na sa weekend kayo na-approved at nagpasa ng iyong bank details, expect na papasok ito sa Monday between 2pm to 4pm.

Kung nagkataon na holiday kayo nagpasa ng inyong bank details, papasok ang funds o ang pera the following day kapag open na ang mga bangko, papasok pa rin ito sa parehong oras 2pm to 4pm.

3. Collect from the Address specified in the App
Pwede ito sa mga gustong i-claim ang kanilang loan sa mga padala centers na malapit lang sa lugar nyo. Kausapin nyo pa rin ang kanilang agent na ipadala sa napili nyong padala center. Ang method na ito ay available lamang from Monday to Saturday, 8am to 6pm. No office on Sunday and any Public holidays kaya hindi pwede mag request sa method na ito.

No comments