Thursday, September 06, 2018

Borrow and Send -From Clients Desk

Client's Desk:

Borrow and Send

Isang bagong lending app na naman ang aking napansin sa google playstore , syempre bago ko ito idownload nagbasa basa muna ako ng reviews ukol dito napansin ko na halos wala pa palang nagdadownload ng app na ito kaya wala pa kong makuha na idea tungkol dito.

Kahit hindi ko pa naman kailangan ng pera nung mga araw na yun , sinubukan ko lang kung legit ba ito.

Pagtapos ko idownload , katulad lang din ng mga ibang lending una nitong hinihingi ang mobile number pagkatapos mareceive ang one time password verified na ito sumunod naman ang email address kailangan din ito maverified.

Hihingi ito ng 4digits pin para sa iyong account , napansin ko na may pagkakatulad sila ni tala dahil 1 account lang ito per mobile phone hindi ka pwede mag create ng ibang account dahil isang account lamang sila kada cellphone.
Hindi mo din ito malalogout.

Dito sa borrow and send hindi kailangan ng ibang requirements , valid id lang. Wala din sila masyadong hinihinging information tungkol sayong source of income kung employed ka ba o hindi , hindi din sila humihingi ng mga references di tulad sa ibang lending hindi mo din kinakailangan iconnect ito sa facebook o ano pa man.

Kailangan lang isubmit ang iyong valid id photo , selfie at proof of billing. Pag katapos kong masubmit ang mga requirements na kanilang hinihingi mga 3oras lamang at nakareceive ako ng text na na-verified na nila ang account ko at ang credit limit ko na daw ay nasa level 1. 

Pag check ko na aking account , pwede na kong magloan at ang loan amount ay 500. Napansin ko na maliit ang starting loan amount nila di tulad ng sa ibang lending.

Level 1 to 10 ang credit limit nila , 500 ang unang loan amount pag good payer ka pwede itong umabot hanggang 10,000. Tulad din talaga ito ng tala.

Dalawa ang option ng kanilang payment terms pwedeng one time payment na 30days pwede din three time payment every 7days.

Pinili ko ang 30days at ang pinili kong disbursement channel ay gcash , pwede mo din makuha ang iyong loan through remittances meron din silang palawan express.

After ko ito isubmit nakareceive ako ng text na na-send na nila ang aking loan sa aking gcash number pagtingin ko ay nandoon na nga ito.

Thank you borrow and send!
Sa mga gustong magloan idownload lamang ito sa google playstore.

3 comments:

  1. Bkt laging down system nila?tpos tgal ko n download app nla..hnggng ngaun nsa verification stage p dn ko.

    ReplyDelete
  2. Bkt laging down system nila?tpos tgal ko n download app nla..hnggng ngaun nsa verification stage p dn ko.

    ReplyDelete
  3. Hi. I downLoaded this app mga Wednesday Last week. Ok naman Lahat naupLoad at naverify ko mobiLe and emaiL. Submitted ko din Lahat ng requirements. But untiL now unverified pa din ang LeveL at Limit ko. Why kaya?

    ReplyDelete

TOP BEST LENDING APPS

USAPANGPERA PH