Tuesday, September 11, 2018

Easy Peso -From Clients Desk

Isang bagong lending app na naman ang nauuso ngayon sa google playstore , kilalanin natin si Easypeso .

Si Easypeso ay kakalaunched lang nung Sept 1, 2018. Si Easypeso ay parang katulad lang din ng ibang lending na aking nasubukan.

Na curious lamang ako nung araw na iyon kung ano itong bagong lending app sa playstore , dinownload ko ito at sinubukan magapply.
Sa totoo lang kailangan ko din ng pera ng araw na iyon , rejected ako sa ibang lending online kaya naghanap talaga ako ng ibang pwedeng utangan at napansin ko nga si Easypeso.

Pag tapos ko magdownload , napansin ko na may pagkakaparehas din ito sa ibang mga lending application.
Nanghihingi ito ng mga information tungkol sa iyo at sa iyong trabaho.
Pwede mag apply dito ang mga Employed , Self Employed at may Business.
Dalawang requirements lamang ang kanilang hinihingi isang Valid ID at Proof on Income.

4,000 at 6,000 lamang ang unang loan na kanilang binibigay sa kanilang mga 1st time borrowers ,
Tulad din ng ibang lending meron silang Processing Fee at napansin ko na mataas ito maging ang kanilang interest rate.

14 days lamang ang kanilang repayment terms tulad lang din ito ng ibang lending app.
Pagkatapos kong isubmit ang aking application nakalagay sa kanilang app ay 24hrs pa ang hihintayin para malaman ang result kung ako ba ay approved o hindi.


After 5hours , may tumatawag sa akin at isang unknown number nagpakilala ito na agent ng Easypeso nagtanong ito ng mga information tungkol sa akin katulad lang din ng mga finill-upan ko sa kanilang app pagkatapos ay tumawag din ito sa isa sa mga reference na aking nilagay.
Pagkatapos ay nakareceive ako ng text na akoy approved na at sabi iopen ko daw muli ang app upang pumili ng aking disbursement channel para sa aking approved loan.


Kung ikaw ay naghahanap ng lending app na hindi kailangan ng bank account may goodnews si Easypeso sa inyo dahil nagdidisburse ito sa remittances tulad ni Mlhuillier at Palawan Express ! 
Pinili kong disbursement channel si Mlhuillier , pagkalipas ng isang oras ay nagtex muli ito at ang sabi ay nasend na nila ang aking loan sa Mlhuillier agad din naman ako nagtungo sa Branch ng Mlhuillier na malapit dito sa aming lugar at nakuha ko din naman agad ang aking loan.

Thankyou Easypeso! Sa mga gustong magloan sa kanila idownload lamang ito sa playstore.

No comments:

Post a Comment

TOP BEST LENDING APPS

USAPANGPERA PH