Monday, September 03, 2018

PesoLoan -Isang Maganda Karanasan From a Client

Habang naghihintay ako ng update kay pondo peso nagtry ako magsearch at magbasa basa sa blog dito at nalaman ko nga na may system error talaga sila . Dahil meron akong bills na kailangan bayaran ang inaasahan ko lang talaga nung mga panahon na yun ang reloan ko sa pondo peso .

Nag try ako magsearch sa google play store kung may bagong lending app at napansin ko ang pesoloan. 10+ pa lang ang nakakapag download sa app nila nung mga oras na yon.

Dinownload ko ito at nagfill up ng application napansin kong hindi masyadong hassle ang pagfill up at valid id lang ang requirements pati na din ang selfie.

2000 to 3000 lang ang amount na pwedeng hiramin at 7 days to 14 days lang ang terms of repayment.

Malaki ang kanilang processing fee tulad ng pondo peso pero kumpara sa pondo peso mas safe ang pag apply sa kanila hindi tulad kay pondo peso na kinakailangan pa i-login ang gmail at fb account.


Pag tapos ng aking pag fill up sinubmit ko na ito. Nakalagay sa kanilang app na ang verifying process ay within 24hours pero nareceive ko ang kanilang text confirmation within 2hours lamang.

Approved ang aking loan at cash out ready na din ito. Sa Mlhuillier nila sinend ang loan ko. Sa pondo peso kailangan mo pang hintayin ang transferring process pag naapproved ang loan mo sa pesoloan pag kaapproved ng loan disbursed na agad ang niloan mo. Masasabi ko na isa na din to sa mga mabilis na lending app na nasubukan ko.

Agad akong pumunta ng Mlhuillier upang iclaim ang pera at nakuha ko naman ito agad. Salamat Pesoloan !

No comments:

Post a Comment

TOP BEST LENDING APPS

USAPANGPERA PH