Friday, October 19, 2018

CashaQuick - Isang ID Lang Makapagloan Kana?

Actually, hindi ito bagong lending app dahil iba ang pangalan. Ito ay isang proseso na mas pinapabilis ang pag-apply ng loan at wala ng maraming hinihingi pang requirements. Serbisyo publiko hatid sa atin ng Cashalo na tinatawag nilang CashaQuick. Ano ang mayron sa serbisyong ito bakit tinatawag itong CashaQuick?

Nakakatanggap ako ng mensahe mula kay Cashalo sa aking cellphone. Once registered kana sa system nila, they keep sending text to your number at naghahatid ng balita tungkol sa kanilang mga latest services. Minsan nakaka-asar lalo na kung declined ka sa auto data system analysis nila tapos papadalhan ka ng walang kwentang text, mapipikon ka ta talaga pero I think hindi sa lahat ng pagkakataon maghahatid ito ng bad mood sa mga receiver ng Cashalo mass text messages.


Dahil kailangan ko rin naman ang update mula sa kanila para may magawa din akong update sa mga followers natin dito dahil karamihan, hindi na nagbabasa ng mga balita tunkgol sa kanila kundo kusang magpi-PM nalang at deretsong magtatanong ng ganito, ng ganyan at kung anu-ano pa. Pakiramdam nila talaga Cashalo kami na kung anong itatatanong masasagot namin. Hehehe so much funny pero we tried our best na makakasagot para naman hindi ma-disappoint si Ate at Kuya.

Anyway, ang dami ko ng sinasabi pero isa lang naman ang gusto kong ipaparating sa lahat na pwede na uli kayong mag-apply or reapply kay Cashalo na mas mabilis na ngayon ang approval. Kung inisip nyo na manghihingi ng Payslip si Cashalo, sa latest features nila na CashaQuick, hindi na kailangan ng any requirements except sa isang valid ID. Wow! Maganda balita talaga ito para sa hindi pa pumapasa o yong gustong umutang kay Cashalo. May mga followers na tayo dito sa USAPANG PERA na sumubok sa bagong proseso at sila mismo ang nagsasabi na pumasa na sila at napakabilis pa.

Ano paba ang inaatay ninyo? Grab nyo na habang mainit-init pa, sigurado akong magbabago din ito later. Pinapalakas lang nila ang kanilang coverage at operation dahil sa gamit nilang system, marami talaga ang hindi makakapasa. Try nyo ulit baka sa pagkakataong ito, papasa na kayo dahil wala ng payslip na kailangan. Ihanda nyo na ang inyong ID at sundin nyo ang aming guide na mababasa sa link na ito: https://goo.gl/yqgq2E

Download and install Cashalo app sa link na ito: http://bit.do/CashaloRefLink

No comments:

Post a Comment