Thursday, October 25, 2018

Fast Cash - Wala Na Nga Bang Payslip?

Hindi namin alam kung ito ba ay isang goodnews o isang hoax lamang. Pero ang mensahe ay galing mismo kay Fast Cash. Nagpapadala ito ng mass text sa lahat ng nag-apply at mga existing client nila. Sinabi sa kanilang text na pwede na ngayong mag-apply ng loan sa kanila kahit walang payslip. Ano kaya ang mayron, gagaya ba sila kay Tala na kahit walang payslip ay pwede makautang?

Alam naman ng lahat na napakahigpit nila pagdating sa loan application. Hindi ka papasa kung hindi ka employed. Kung employed ka man tapos wala kang payslip, declined pa rin ang application nyo. Bakit biglang kumambyo si Fast Cash this week? Totoo nga ba talagang maluwag na sila? Marami ang nasa isip ng lahat pero para masubukan, inaanyayahan namin ang lahat na subukang muli kung totoo ba talaga na maluwag na sila ngayon.

Mula nong nagstop na sila to be our sponsors, wala na rin akong constant communication sa kanila. Napakaraming nakapasa kay Fast Cash pero kunti nalang ang bumalik lalo na yong mga delayed magbayad. Alam na nila ang ugali ng mga agents ni Fast Cash na walang modo at very unprofessional. Napakadaming reklamo ang natatanggap namin tungkol sa Fast Cash. Sila lang naman ang nangunguna sa lahat kaya baka ito ang dahilan na humina ang kanilang operation. Ito ay aking opinyon lamang based doon sa mga natatanggap namin reklamo mula sa mga followers natin sa USAPANG PERA at sa ating facebook group Pinoy Pautang - Online Guide.

Pinapaalalahanan ang lahat na mayrong utang kay Fast Cash, siguraduhin na makakabayad kayo on or before your due date. Dahil kung ma delayed kayo, kahit nag OK na yong CSR ng Fast Cash, still tatawag pa rin ang kanilang mga agent sa mga taong nasa contacts nyo. Kung hindi man tatawag, ittext nila ang karamihan at siguradong mapapahiya kayo.

 Kaya ingatan nyong mabuti ang reputation nyo sa kanila dahil they are not concern about their client. They are more concern about their money that is in your hand. You need to return it bank para hindi kayo nila guguluhin.

1 comment:

  1. hi gud pm..isa po ako sa.pinahiya ni fast cash at hinulugan ng suspension letter kasi meron po nag report sa mga boss ma tinext sya ni fast cash na co maker ko daw sya at hindi ko nman ginawa yun kasi ndi ko alam kung ano ang family name nya..nagttaaka ako na pati nnay at anak ko at ndi ko mga kaanu ani ay napasendan ng message..thanks

    ReplyDelete

TOP BEST LENDING APPS

USAPANGPERA PH