Tuesday, October 23, 2018

Pondo Peso - Maintenance Na Naman Uli?

Umaalingawngaw na naman ang social media lalo na sa mga groups na related sa lending, loans, pautang at iba pa. Reklamo ng karamihan, sablay na naman ang system ng Pondo Peso. Yong iba, nagbabayad pero hindi agad pumasok sa account nila. Umabot pa sa follow-up calls ng mga agent nila kahit bayad na ang kanilang utang.

Mayron ding iba na nagkaroon na sila ng credit limit ngayon pero under sa disbursement section bigla itong nag failed. Kinabukasan bumalik ito sa zero ang kanilang credit limit kaya hindi na uli sila makakapag-apply ng loan.

Marami kaming natatanggap na reklamo at hindi na namin maisulat lahat dito sa website natin. Kaya para matahimik, sinubukan kong tawagan ang Pondo Peso kaninang umaga pero nakailang ulit kaming tumawag, walang sumasagot baka matagal silang pumasok sa opisina.

Ngayon gabi, around 6:05pm naisip kung tawagan uli sila. Sa first attempt ni-reject yong call ko pero sa pangalawa sinagot na nila. Pinaabot ko sa kanila ang sari't-saring reklamo na natatanggap namin dito sa USAPANG PERA. Mabait naman ang nakausap ko, in the person of Sir Kent Madrigal. I'm not sure kung tama ang pagkarinig ko sa kanyang pangalan.

Kasalukuyan nasa system enhancement mode ang operasyon ng Pondo Peso kaya minsan ON and OFF ang system nila. Humingi sila ng paumanhin para sa pangyayaring ito. Sinisiguro po nilang, safe ang lahat ng transaction nyo lalo na sa payment issue. 

Sa mga gustong mag-apply ng loan kay Pondo Peso, you can read our guide through this link: https://goo.gl/eVqXGd Maaari nyo ding mapanood ang aming step by step guide sa USAPANG PERA Youtube Channel, through this link: https://goo.gl/ZpUiEb

2 comments:

  1. how to in cash my loan through coin.ph?

    ReplyDelete
  2. Ive reloan and chose to disburse it via my coins account then suddenly as I closed the apk and re open it. A message poped out stating they are undergoing system maintenance.. I badly needed the money..

    ReplyDelete

TOP BEST LENDING APPS

USAPANGPERA PH