Saturday, October 06, 2018

Upeso - Hanggang Ngayon Wala Pa Rin Sa Playstore

Sa mga nag-aantay ng latest update mula sa Upeso, hanggang ngayon hindi pa rin available sa Playstore ang kanilang Upeso app. Kung kausapin nyo sila through chat, palagi nilang sinasabi na pwede ng ma-download at ma-install ang kanilang app through the link na binibigay nila sa messenger.  Ang link na kanilang binibigay ay hindi gumagana sa mga android phone. Kayo, sinubukan nyo na bang i-download ito?

Kung bisitahin natin sa kanilang website na www.upeso.ph ang download button ay magbibigay din ng parehong link. Kung i-download nyo ito sa inyong desktop or laptop, wala ding mangyayari. Napansin namin, sa tagal ng panahon na hinihintay ng lahat, wala pa ding improvement sa kanilang app at kanilang system.

Wala na rin atang pag-asa pa para silay bumalik sa pagpapahiram ng pera sa mga Pinoy. Sa mga nakautang na dati, nakapag reloan pa rin ba kayo kahit wala ang kanilang app? Hindi na rin namin masubokan ang app dahil uninstall na rin ito sa aming cellphone mula ng ito'y magkaproblema.

Sa mga makakabasa nito at kasalukuyang nakakautang pa rin sa Upeso, ano ang proseso na ginagamit nila kung ang app ay unavailable pa rin sa Playstore? Pwede nyo pong i-share sa amin para malalaman din ng lahat lalo na yong umaasang babalik pa si Upeso. Hindi natin alam baka hanggang paasa na rin si Upeso sa mga Pinoy.

Please leave your comment below kung sakaling patuloy pa rin kayong nakaka-reloan sa Upeso. Ito ang link na palaging binibigay nila para daw ma download at ma install pero hindi naman nagana: http://bit.ly/UpesoAppNot

No comments:

Post a Comment

TOP BEST LENDING APPS

USAPANGPERA PH