Monday, October 29, 2018

Upeso Tuloy Pa Rin Ang Pagpapautang

Inaakala ng karamihan na tuloyan ng mawawala ang Upeso sa Google Playstore dahil ilang buwan din silang nawawala. Marami ang nakakagusto kay Upeso at marami din ang nagkakaproblema sa kanila lalo na sa payment dahil biglang naglaho ang kanilang app. Natatakot ang iba baka kung hindi sila nagbabayad, o makapagbayad baka tatawagan o ettext ang contacts nila at ipapahiya.

Ilang beses din naming sinubukan gumawa ng guide gamit ang computer pero disappointed kami dahil hindi namin ito ma-access. Sinubukan din naming humingi ng tulong sa Upeso pero yong link na binigay nila ay mas lalong hindi rin nagana. Kami din mismo dito sa USAPANG PERA ay nawalan na din ng gana na subukan pang muli pero habang nakikipagchat ako sa aking mga kaibigan at mga kakilala sa messenger, bigla nalang lumitaw si Upeso sa kanilang sponsored ads. Dahil matagal silang nawala kaya sinubukan kong pindutin ito at sinubukang mag-apply.

Na-redirect ako sa browser ng aking cellphone. Kaya sinubukan ko uli ito buksan sa browser ng aking laptop pero still hindi pa rin mabubuksan. Tinuloy ko ang aking pag-apply para makagawa ako ng video tutorial para din mapapanood ng mga followers namin dito sa USAPANG PERA. Napaka-simply lang ang proseso ng Upeso compared sa ibang lending app. Bukod dyan, hindi na rin kailangan ng proof of income. Tanging valid ID lang ang kailangan nila at isang reference person na kalapit na kamag-anak.

Tapos ko ma submit ang aking loan application, may nakalagay sa kanilang website na kailangan i-download at i-install ang kanilang app to monitor na status of my application. Natanong ko tuloy, "Oh nakailang search ako dati pero walang lumalabas na app ni Upeso, ngayon pa kaya?" Kaya para masubukan uli, binuksan ko ang Playstore at I searched Upeso. Naku! Lumabas na ito sa playstore at nagbago na ang logo nito pati ang iba pang mga features.

Mas maganda na ngayon ang app ni Upeso compared dati. Updated na rin ito ngayon, last update nila ay October 19, 2018. Ibig sabihin mahigit isang linggo na itong na-released sa playstore, hindi lang ata natin na monitor dahil sa masyadong busy nitong nagdaang mga araw. Ang Upeso ay nag-offer ng maximum of P10,000 na pwede nyong mahihiram sa kanila. Payable ito ng up to 30 days pero sa umpisa, 10 days lang ibinibigay nilang term sa pagbabayad.

Sa mga gusto mag-apply kay Upeso, maaari nyo ng ma-download at ma-install ang kanilang app sa link na ito: https://goo.gl/KwKix9

Ano pa ang hinihintay ninyo? Subukan nyo na uling mag-apply ng loan sa Upeso. Upeso provides you with fast, convenient and safe loan service, which only requires you filling in your personal information in order to get cash loan. Whenever you are in need of money, you can just click Upeso APP to get the amount you want. You can also feel free to choose the amount and loan term, and also, no penalty will be charged for advanced repayment.

No comments:

Post a Comment