Tuesday, February 12, 2019

Swit Loan - The Latest Update From Usapang Pera

Nong nakaraang linggo, isa sa naipost namin dito sa Usapang Pera ay tungkol sa Swit Loan. Isa itong bagong lending app na makikita natin sa Google Playstore. Para sa mga hindi nakasubaybay, ito ang link ng aming post last week: http://bit.ly/SwitLoanGuide

Marami ang excited dahil mayron na naman silang pwedeng aplayan ng loan. Inulan ng loan application ang Swit Loan dahil sa pagpromote namin. Kumusta na kaya ang mga nag-apply sa linggo na yon?

Kinukumusta namin ang karamihan sa nag-apply sa kanila. Unfortunately, halos lahat sa kanila ay hindi maganda ang sagot. Alam nyo ba kung bakit? Dahil inabot na ng linggo wala pa ring update sa kanilang mga application. Mayron ding iba na mahigit isang linggo na pero wala ding balita.

Maaaring hindi pa operational ang company nila o di kaya nag-aantay ng pundo para maipahiram sa mga Filipino. Pwede ding under observation pa ang app nila para ma-testing kung ano ang mga maaaring adjustment na gagawin nila bago mag-umpisa ang kanilang loan service.

Minumungkahi namin dito sa Usapang Pera.PH na huwag munang umasa sa Swit Loan kung kailangan nyo talaga ng agarang financial assistance. Marami tayong pwedeng hihiraman na bago. Kung nasubaybayan ninyo ang ating website, mayron kaming mahigit limang bagong lending apps na idinagdag sa site. Mabuting usisahin muna ang mga lending apps na balak nyong aplayan para hindi kayo mapahamak sa taas ng interest o sa mga fees na pinapataw nila sa kanilang mga client.

Nakakatulong naman ang lending apps na ito kung nangangailangan ka ng agarang  financial assistance. Uulitin namin, agarang pangangailangan dahil wala masyado itong maraming hinihingi. Kapag sinabing agaran, kaya mong ipikit ang mata mo sa mga charges na maaari nilang ibabawas o idagdag sa principal amount na hiniram mo. Mas mabuti na yong magreklamo habang hindi pa nakapag loan kay sa magreklamo sa oras na ng bayaran. Tama ba kami?

No comments:

Post a Comment

TOP BEST LENDING APPS

USAPANGPERA PH