Thursday, March 07, 2019

FOWL LOAN - Ating Alamin at Kilalanin

Masasabi kung hindi buo ang araw kapag hindi ako nakakagala sa social media lalo na ang facebook at twitter. Habang tumitingin sa aking facebook newsfeed, napansin kong mayron na naman kakaibang ads na lumabas. Isa na namang bagong lending app ang gumagala ngayon sa social media lalo na sa facebook. 

Wala naman itong pinagkaiba sa mga nagsilabasang mga lending apps. Napansin ko sa kanilang app sa playstore, wala pa itong laman. Napakatipid din ang description ng kanilang app. Wala ka ring mababasang review mula sa isang client na maaaring nakahiram na sa kanila.

Fresh na fresh talaga ang app na ito kaya sinubukan kung i-download at i-install. Kaso hindi ko nagustuhan ang design dahil naka default pa ito. Biruin mo nakalagay sa mga larawan na nasa app nila ay pwede kang umutang ng up to P1M? Hahaha nagpapatawa talaga tong app na ito. Ang mga nakasulat na salita sa mga larawan ay hindi din pang Filipino, mukhang taga ibang bansa na naman ang nasa likod ng lending app na ito.

Ito ang napakaiksing description ng kanilang app sa playstore:

Ang Fowl Loan ay ang iyong pinakamahusay na pagpipilian. Secure at maaasahang loan platform software.Sa pamamagitan ng mabilis na proseso ng pag-apruba, agad na maabot ng rupee ang iyong account sa mababang rate ng interes at isang mahabang panahon ng pagbabayad. Ang utang na utang ay ang iyong pinakamahusay na pagpipilian.

Kung gusto nyong subukan, pwede nyo itong ma-download at ma-install sa link ng kanilang app sa playstore. https://play.google.com/store/apps/details?id=com.kmrlla.fowll


Kung mapapansin nyo na malaki ang interest ng kanilang loan service, huwag nyo ng ituloy. Baka mahihirapan pa kayong bayaran ito pagdating ng due date.

No comments:

Post a Comment

TOP BEST LENDING APPS

USAPANGPERA PH