Wednesday, June 26, 2019

Journey to Atome Unpaid Loan (28 Days)

Lumubo ng lumubo ang kunoy utang namin sa Atome ngayon. Noong nakaraang linggo sa pang 21 days ng aming overdue, ang halaga palang noon ay P3,246. Seven days after, nagiging P3,582 na ito. Ang P2,000 loan ng scammer, nagiging P3.582 na ngayon dahil sa 2.40% patong ni Atome everyday.



Mahigit isang buwan na mula nong nangyari ito at hanggang sa ngayon wala pa ring ginawa ang Atome para maresolba ang kasong ito. Noong una, marami silang nakuhang client mula sa platform na hawak ng #USAPANGPERAPH at #USAPANGPERATV pero ngayon tanging iyong hindi nakakabasa nalang ng mga post namin ang sumali sa kanila. Napansin ko dati mahigit sampu ang nadagdag sa aming list of referral pero ngayon isa o dalawa nalang.


Hangga't hindi maaayos itong account namin ni Atome, hindi rin kami hihinto sa pagbibigay ng reviews sa kanila. Mukhang naging bulag at bingi na ang pamunuan dahil wala na silang ginawang aksyon sa ngayon. Panay seen mode nalang ang message namin sa kanila sa messenger. Masakit para sa amin na mapagbintangan ng ganitong akusasyon dahil sa kapabayaan ng system nila nadadamay kami na inosente.

Kung marunong lang sanang mag evaluate ang pamonoan, makikita sana nila ang side ng www.usapangpera.ph pagdating sa usaping ito. We are known dahil sa tulong na nagawa namin sa mga mambabasa na makakaiwas sa mga scammer. Dahil sa website na ito, nagagabayan namin sila na hindi na maniniwala sa mga nakikipag usap sa kanila sa messeger o sa Facebook na magpapautang kuno pero hindi naman pala kundi tanging pang scam lang ang layunin. 

Kung dati ang dali nilang mapaniwala na magbabayad muna ng PROCESSING FEE at makukuha na nila ang nilo-LOAN na pera. Ngayon wala ng maniniwala sa mga scammer sa ganong estelo kaya gumagawa na rin ng ibang paraan ang mga scammer. 

Almost 3.5M views na po ang www.usapangpera.ph kaya nagkaka-ranking na ito sa Google search. Kapag gumagamit ng search button ang gustong hanapin ang mayrong bad reviews na lending sa Pilipinas, lalabas ang aming mga reviews tungkol sa Atome. Kaya siguradong malalaman ng lahat ang hindi magandang serbisyo ng Atome sa mga client nila tulad namin.

MASAKLAP para sa amin dahil araw-araw mayron kang matatanggap na tawag at text na sinisingil ka ng iyong utang na hindi ka naman umutang. Kung kayo mga followers namin at mambabasa, ano kaya ang pakiramdam nyo kapag siningil kayo ng utang na hindi ka naman umutang. Magiging masaya kaya kayo kapag nangyari sa inyo ang nangyari sa amin sa Atome?

Noong una akala namin iba ang lending app na ito dahil maganda ang script na ginamit sa kanilang app pero lingid sa kaalaman namin na madali pala itong napapasok ng mga scammer dahil walang security measure ang disbursement features nila. Within a single glimpse of the eye, maaari ng sa iba mapunta ang pera na hihiramin mo dahil napakadaling palitang ang method of disbursement. Wala talagang kahirap-hirap gawin ito ng mga scammer. 

Attention Atome:

Hindi namin sisirain ang reputation ng #USAPANGPERAPH at #USAPANGPERATV kung nasa isip nyo na kami ay may ugnayan sa mga nanloloob sa system ninyo. Nasa inyong side ang problema, masyadong pabaya ang IT at pamoon nyo. Tulad ng sinabi namin, hindi kami hihinto sa pagawa ng post regarding sa concern na ito para malalaman ng lahat kung gaano kahina ang Atome. Magaling lang kayo sa paniningil at sa pera na maaaring kikitain ninyo mula sa amin at sa magiging client ninyo.

Nakita namin na mayron pa ring pumasok sa referral list namin kahit down na ang guide post namin tungkol sa inyo sa aming website. Nakalimutan namin mayron palang guide sa #USAPANGPERATV Youtube channel. Ngayon we also turn down the video tutorial kaya siguradong sa susunod na araw. 




2 comments: