Paano Maging Member ng Cooperative?

Share:

 Paano Maging Member ng Cooperative?

Marami ang nahuhumaling na ngayong mag-invest sa cooperative dahil sa maraming benepisyo. Mayron ding community impact ang mga cooperative compared sa ibang mga financial institution.

Two (2) ways to become a member sa isang cooperative

Una, through physical branch.  Para ito sa mga malapit lang o nakatira sa lugar kung saan mayrong branch ang cooperative na gusto niyong sasalihan.

Pangalawa, through online membership. Para ito sa mga gusting magpamember pero malayo sila sa branch ng cooperative na gusting sasalihan nila.


Bawat Cooperative ay may kanya-kanyang proseso at mga requirements. Kung malapit kayo sa branch, pwede kang pumunta during office hours. Monday to Friday 8am to 5pm. Some Koops ay may pasok sa sabado. Ang common requirements ng mga cooperative ay PMES or Pre-Membership Education Seminar. Schedule for PMES is announce through Facebook page, text/SMS or Email. During PMES ilalatag ng speaker ang mga dapat mong malalaman tungkol sa brief ng Koop na balak mong sasalihan, mga benefits at iba pang mahahalagang impormasyon. Mayron silang OPEN FORUM right after matapos ang speaker kaya free ang bawat isang magtanong o kung mayron gusting linawin. Sasagutin ng speaker or ng kanyang Head or Assisant ang mga katanungan.

 Ang most common na requirements na hinihingi ng mga cooperatives ay ang mga sumusunod; government issued ID, TIN, 2x2 and 1x1 pictures, Marriage Contact, Birth Certificate at Membership Form. Mayrong mga cooperative na kunti lang hinihingi meron ding marami. Pero kung sakaling hindi mo dala ang ibang requirements, pwede mo itong to be followed nalang.

Ang online membership naman ay kailangan din nga PMES kaya you need to fill up the form online para makakuha ng schedule. Antayin ang araw ng inyong PMES at huwag kalimutang umaten dahil hindi pwedeng magpatuloy iyong registration bilang member kung wala ang PMES. Ang mga requirements na binanggit ko sa itaas (depende sa hinihingi) ay maaaring ipasa ito sa email o through mobile app. May mga Koop na manual pa ginagawa ang registration at idadaan sa email. Pinaka mabilis ang process ng membership ay gagawin sa Koop mobile app at doon na din isa-submit ang mga hinihinging requirements.

Bawat Koop ay magkaiba ang start up/membership fees na sinisingil sa mga gustong maging membro. May mga cooperatives na kasama sa membership fees ang insurance at mortuary, ang iba naman ay hindi. Once successful na ang iyong membership, ibigigay na nila sayo ang iyong mga passbook. Kung sa bangko isa lang ang passbook, sa Koop naman ay dalawa o tatlo. Ano ang mga ito? Share Capital, Regular Savings, Damayan. Marami savings product ang mga cooperatives, at may kanya-kanya itong passbook at  iba’t-ibang interest rate. Kung pinagpala at mapalad ka, makakatanggap ka ng Welcome gift o mga giveaways dahil may mga cooperative na mayron nito.

Share Capital Passbook

Sa passbook na ito makikita ang lahat ng deposit transactions mo dahil hindi pwedeng withdrawhin ang laman ng Share Capital passbook, unless gusto mo ng umalis pero mayron itong waiting period na 90 days or more. Ang ADB or Average Daily Balance mo e-based ang iyong DIVIDEND. Tax free ang dividend sa Cooperatives kaya Maganda mag-invest sa coops. The bigger the amount, higher chance na Malaki din makukuha mong Dividend na walang bawas dahil wala ito withholding tax, 100% Tax Free.

Hindi pwedeng ilagay sa Share Capital ang Emergency Fund dahil hindi ito agad makukuha. Kung wala kang enough funds para sa isang bagsakan na deposit, pwede kang magdeposits daily, weekly, monthly or yearly. Kung ang habol mo ay retirement plan like me, pwede kang mag issued ng PDC (Post Dated Checks) sa mga Koop na tumatanggap ng PDC lalo na kung malayo ka sa branch. Ito ang ginagawa ko sa mga Koop na sinalihan ko na hindi available ang ibang method ng payments maliban sa Cash at PDC. Mas malaking Share Capital Balance, aasahan ang malaking dividend na makukuha.

Regular Savings Passbook

Ito ay required ng mga Koop at partner ng iyong SC passbook. Most of the loans disbursement ay idadaan dito bago nila e-release. Pero may mga Koop na deretso mo ng makukuha from the Cashier kaso may retention percentage sila binabawas sa loan at ipasok nila ito sa SC passbook (kung hindi pa limit/puno) at  sa savings passbook mo. Tax free ang interest na kikitain mulang iyong savings.

Damayan/Dayong Passbook

Kailangan mayron itong palaging pundo dahil everytime na mayrong member na namamatay, dito nila ibabawas. Hindi parehong halaga ang binabawas ng mga Koop na mayron nito program pero pwedeng mas Malaki ang makukuha ni beneficiary compared doon sa mayrong fixed yearly premium. May kanya-kanya ding criteria sa halagang ibabawas ang mga cooperatives na mayrong Damayan like Agdao Coop and Samulco. Kung mauubusan ng balance ang iyong Damayan Savings, doon ito magbabawas sa iyong Regular savings.

Time Deposits

Mataas ang interest rate ng mga cooperatives compared sa mga traditional banks. Kung sakali pantay, advantage pa rin ang Koop TD dahil TAX FREE ito.

Special Savings

Maraming cooperatives na mayrong products na Special Savings. Mataas ang interest nito compared sa regular savings pero mayron itong time frame o lock in period. Mostly, 5 years ang maturity ng special savings at compounding ang interest nito. Nagre-range ang interest from 5% to 8%.

Patronage Refund

No doubt mas mababa ang interest ng mga loan products ng mga cooperatives. Mababa nan ga, may percentage pa nito ang ibabalik s aiyo through patronage refund. Sa mga cooperatives na hindi lang loan ang paraan para kumite, nagbibigay din sila ng patronage refund sa mga products and service na ina-avail ni members. Kaya tangkilikin ang mga produkto at serbisyo ng koperatiba na sinalihan mo dahil parang Negosyo mo na din ito.

For me, cooperative is the best source of passive income na hindi mo na kailangan pang e todo monitor. Mas maraming cooperative na sasalihan, maraming benefits at lalaki din ang iyong dividend every year. Lahat ng Kooperatiba ay nagbibigay talaga ng incentives, giveaways every year lalo na during Annual General Assembly. Every year mayron ding mga pa raffle na maari kang Manalo ng kotse, motor, appliances at marami pang iba. Higit sa lahat maraming Kooperatiba na nag-value ng kanilang members through recognition and awards. Promise, marami kang magiging kaibigan sa cooperatives. Kaya, what are you waiting for, BE A MEMBER to any stable, well-established at matatagal ng cooperative diyan sa lugar ninyo.

No comments

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.