Paano Mamili ng Magandang Kooperatiba na Sasalihan?

Share:
Bawat tao ay mayrong kanya-kanyang goal sa buhay at ganun din sa investment. Kanya-kanya din tayo ng factors na dapat e consider sa pagpili ng sasalihan lalo na sa cooperatives. Ang ibibigay ko dito ay ang most common at based na rin sa personal experience namin. Ang mga ito ay maaaring applicable sa inyo, pwede ding hindi. Ang importante, marunong tayong kumilatis at mapagmatyag lalo na sa mga bagay na nakasalalay ang ating hard earn money.

1. Financial Status ng Cooperatives
2. Cooperatives Source of Income
3. Dividend and Patronage History
4. Total Cooperative Assets less Liabilities
5. Insurances
6. Mortuary/Damayan
7. Years in Service
8. Number of Branches
9. Total Members
10. Management and Staff
11. Giveaways



Marami pang pwede idagdag sa nakalista sa itaas pero para sa akin, sa sampung nakalista, sapat na po yon para mainganyo akong sumali. Again, depende sa goal ng interesadong maging membro. Yong iba gusto lang umutang, yong iba naman gustong mag-savings. Mas mataas ang interest sa Cooperatives kay sa traditional banks at TAX FREE pa.

FINANCIAL STATUS

Malaking bagay para sa akin ang financial status ng isang cooperative na sasalihan. Bago ang Annual General Assembly, ilalabas ng coops ang kanilang financial reports. Dito din malalaman kung magkano ang net surplus para sa dividend ng bawat membro. Kung hindi kumikita at walang karagdagang investment ang coop, red flagged na ito.

COOPERATIVES SOURCE OF INCOME

Bukod sa pautang, marami pang products and services na ino-offer ang cooperatives para kumita. Malalaman nyo ito during PMES or Pre-membership Education Seminar. Ugaliing makinig at makiramdam during sa PMES. Mayrong mga cooperative na nag-invest din sa ibang coops like insurance like CLIMBS and 1CoopHealth, huwag lang sa mga insurance na against sa goal mo like VUL. Pero ang dapat hindi kasama ay yong mga investment sa Cryptocurrency at Trading. Mayrong open forum ang PMES kaya huwag mahiyang magtanong para maliwanagan at mawala ang iyong doubts sa Coop Investing.


DIVIDEND AND PATRONAGE REFUND
Big factor ang laki ng dividend sa isang cooperative para mahikayat ang iba upang sumali. Syempre ako din, isa ito sa mga tinitingnan ko bago mag PMES. Ang dividend ay kikitain mula sa pera na nilagay mo sa iyong share capital. The bigger your share capital, the bigger dividend you will receive. Patronage refund ay percentage sa products and services na ina-avail mo sa coop, from the name itself "PATRONAGE". May mga Cooperatives na hindi nagbibigay ng patronage refund sa mga associate members. Pero pagdating sa dividend, Regular and Associate members will get similar dividend percentage.

COOPERATIVE ASSETS

Mas prefer kong sumali sa mga cooperatives na kabilang sa CDA TOP 100 BILLIONAIRES sa Pilipinas. Mostly, matatag at malayo na ang kanilang nararating sa larangan ng cooperative operations. Pag sinabing billionaires coop, sila ay 99% super tatag at medyo matatagal ng nagsesirbesyo sa kanilang mga membro. Hindi sila aabot ng billions in assets kung pabaya sila sa kanilang operation at hindi sila pumasa sa mga Audit pati sa CDA. We are introducing the CDA TOP 100 BILLIONAIRES sa aming page ang "MASINOP NA PINOY".

INSURANCES

Isa sa nagustuhan ko din sa pagsali ng mga cooperatives ay ang kanilang mga insurances lalo na sa health at HMO. Mas mura ang insurance ng coops compared sa mga private insurance company. Huwag matakot mag-invest sa insurance dahil malaking maitutulong nito sa iyo lalo na sa mga unexpected happenings na hindi natin kontrolado.

MORTUARY

Imbes na magbabayad ka ng mas malaking halaga sa mga private companies para magkaroon ng life insurance, sa cooperative kana -makakamura kapa. May iba't-ibang mortuary/damayan/tulungan programs ang mga cooperatives. Alaming mabuti para hindi kayo maguguluhan. Mayrong annual sinisingil ang membro, mayron ding every may mamatay na member -magbabawas sila sa iyong savings for mortuary/damayan/tulungan. Ang iba nagugulat dahil binabawasan ang kanilang savings ng walang paalam. Kaya malaking bagay ang makikinig ng mabuti during PMES para mayrong hindi ma missed sa sinabi ng speaker. Dito nagkaproblema ang karamihan, nasa PMES pero busy din sa ibang bagay.

TOTAL YEARS IN SERVICE

Kung matagal na ang isang Kooperatiba at kumikita pa rin, siguradong maganda ang pamamalakad ng mga namumuno. May connection din dito ang annual dividend na pinamimigay nila. Kung matagal na tapos walang dividend or kung mayron tapos sobrang liit, red flagged na ito para sa mga gustong sumali. The longer the better.

PHYSICAL BRANCH AND BRANCHES

Unlike sa ibang investment platform, ang cooperative investing ay mayrong branch at branches. Any time pwede mong mapuntahan kung gugustuhin mo. Pwera nalang doon sa mga nasa malalayo na kailangan pang bumiyahe ng ilang oras para makarating sa branch. Kahit na nauso ang online membership, panatag pa rin ang loob natin pag nalalaman na mayrong silang physical branch. Pero mas magandang unahin mo munang salihan ang pinakamalapit na cooperatives na mayrong branch sa lugar ninyo lalo na't hindi mo pa gamay ang coopinvesting. Pag marami kanang idea about coops at gusto mo pang palawakin at diversify ang pera at income mo, pwede kana mag-extend sa ibang lugar na mayrong matatag at matatagal ng kooperatiba.

TOTAL NUMBER OF MEMBERS

Ang pera na pinapatakbo sa operation ng isang cooperative ay galing sa mga members. The more the merrier. Pero mostly sa mga kooperatiba ay nag-umpisa lamang sa iilang tao until lumaki ng lumaki ito. Kung maganda ang pamamalakad, kikita talaga ito. Masayang sumali sa mga General Assembly kung marami kayo, lalo't na kung marami ding pinamimigay. Marami ang sasali kung nakikita ng mga tao na lumalaki at dumadami ang merbers list n kooperatiba.

MANAGEMENT AND STAFF

Hindi bali nalang kahit malaki dividend kung ang pag-uugali ng mga staff at management ay parang sila lang ang may-ari, marami ang hindi sasali sa kooperatiba na mayrong ganitong workforce. Big impact para sa akin ang "first impression last". Yong tipong hindi kapa members pero ang turing sayo ay membro na. May mga kooperatiba na akong nasalihan na ang papangit ng ugali ng mga staff. Yong iba, bukod sa matamlay ang salubong sayo kulang nalang palabasin ka kasi hindi sila interesado sayo maging membro. Sana wala kayong na experience na ganito pero ako meron na. Napalipat na nga ako ng branch para lang magpatuloy.

PERKS AND GIVEAWAYS

Mayrong mga cooperatives na nagbibigay ng welcome gifts kapag kayo ay sumali. Syempre sino bang hindi masaya kapag mayrong natatanggap na gifts. Umpisa palang nagbibigay na, how much more kung magiging member kana. Normal lang ang giveaway sa mga cooperatives specially sa buwan ng December. May mga cash incentives din during ASSEMBLIES like Disrtict Assembly, Representative Assembly at Annual General Assembly. May mga pa-raffle din na pwede manalo ng valuable items like appliances, motorcycle at kotse.

Para sa akin, mas panatag ang loob ko sa aking investment compared sa mga investment like UITF, stock market, crypto trading at marami pa na kailangan mo ng aralin at close monitored sa iyong binitiwang pera. Kaya pumili na kayo ng mga magagandang kooperatiba na malapit sa inyo o yong matagal at matatag na kung online membership naman ito. Again, huwag matulog during PMES or busy din sa ibang bagay para maunawaan ang mga pinpresenta ng speaker. Mas maganda magbato din kayo ng mga katanungan sa speaker during open forum, hindi puro OO nalang tapos later reklamo dahil hindi maintindihan ang mga deductions.




No comments

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.